^

Punto Mo

Bawal tumawid, may namatay na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Aprubado na ng Metro Manila Council ang pagtataas ng multa sa mga mahuhuling jaywalkers.

Mula sa dating P200,  magiging P500 na ang multa at tatlong oras na  community service ang magiging parusa sa mga pedestrian na lalabag sa  Anti-Jaywalking campaign ng  MMDA.

Nagkasundo ang MMC dahil na rin sa nakakaalarmang paglobo ng bilang ng mga aksidente na ang   dahilan ay ang pagtawid sa hindi tamang tawiran.

Marami na ang ‘buwis-buhay’ dahil sa ganitong pagsuway.

Panahon na rin para maging ang mga pedestrian ay matutukan at idisiplina sa mga dapat na gawi sa lansangan.

Talaga namang marami ng pasaway na madalas nga ay  nakikipagpatentero pa sa mga sasakyan.

Aba’y sa rekord pala ng MMDA may 500 tao ang namamartay kada taon dahil sa pagtawid sa hindi dapat na tawiran.

Kung ang mga mataas na multa at matinding parusa ang maipapatupad,  mula sa mga driver, motorista at maging sa mga pedestrian, naku, sigurado magiging maayos ang mga lansangan.

Pansin nyo ba na nang itaas ang multa sa mga mahu­huling lalabag sa batas trapiko, kasama na rito ang mga mahu­huling kolorum, kahit paano ay naramdaman ang paglu­luwag sa ilang lansangan.

Ngayong mga pedestrian naman ang tututukan para madisiplina, pihadong mababawasan talaga ang problema o mga aksidente sa lansangan.

Dapat nga lang talaga may ngipin hindi lang ang batas kundi pati kung paano ito ipapatupad.

Nakakapagtaka lang naman kasi, kung tutuusin kaya talagang maipatupad ang disiplina.

Bakit sa Subic, may mga batas trapiko doon na kayang sundin ng mga motorista. Kung nagagawa doon, bakit hindi kaya magawa sa Metro Manila?

ANTI-JAYWALKING

APRUBADO

BAKIT

DAPAT

MARAMI

METRO MANILA

METRO MANILA COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with