ANG MUNDO nila ay umikot sa tabla, basketball ring at bola. Dito nagsimula ang lahat at ang buong akala ng taong lumapit sa ’min, matapos ang laro angat siya sa score ng iba.
“Simula pa lang, ayaw na niya nung bata, hindi pa raw siya handa. Ipalaglag ko raw. Hindi ako makapaniwala na ang mga salitang ito ay nanggagaling sa taong minahal at ibiÂnigay ko ang lahat,†simula ni Sean. Bata pa kung iisipin ngunit nasubo na sa mabigat na responsibilidad. Ang masaklap pa rito, hindi siya tinutulungan ng lalaking nakabuntis sa kanya. Dalawang buwan pa lang mula nang manganak ang dalawampung taong gulang na si Roseanne “Sean†Cristobal kinailangan na niyang magsimulang magtrabaho para may ipangtustos sa anak.
Dance instructor ang taga-Rizal na si Sean. Kwento niya, nakilala niya ang ama ng kanyang anak na si Shej Roi Sumang noong 2012 nang pareho silang mapabilang sa mga iskolar ng kani-kanilang unibersidad.
“Hindi maiwasan na magkita kami dahil dance sports athlete ako at basketbolista siya,†wika ni Sean. Uso pa raw ang Black Berry Messenger (BBM) nun. Lahat silang mga iskolar at lumalaban sa iba’t ibang kompetisyon ay may sariling grupo sa BBM. Nagsimula sa text ang kanilang relasyon hanggang sa maging sila noong Hulyo 2012.
“Malambing siya. Nung maging kami, gumawa siya ng props na parang marriage contract,†pahayag ni Sean. Aminado si Sean na aso’t pusa sila ni Shej dahil lagi umano itong nambababae. Minsan siyang nag-imbestiga at kapag nahuhuli niya itong may kasamang iba, agad niya itong kinokompronta. Panay naman ang deny ni Shej, “Kaibigan ko lang yun†at “Hindi ko kilala kung sino yun†ang palaging sagot sa kanya.
“Minsan bigla na lang akong hindi magpaparamdam dahil nga nambababae siya. Natutuklasan ko na lang sila na pala nung babaeng pinaghihinalaan ko,†ayon kay Sean.
Parang ayaw na raw niyang kilalanin bilang boypren si Shej dahil nagloloko ito. Magte-text na lang ito sa kanya, hihingi ng tawad. Paulit-ulit naman siyang iniintindi ni Sean. Ayon kay Sean, hindi lang daw isang beses nambabae si Shej ngunit maraming paulit-ulit niya itong nahuhuli.
“Nung minsang magkaÂsama kami sa Tagaytay napansin ko na may binili siyang keychain. Anita ang nakalagay na pangalan. Nag-isip ako kung sino na namang babae yun,†sabi ni Sean. Nagpasya si Sean na bumitiw na at maging magkaibigan na lang sila dahil hindi na niya kaya ang pambababae nito. Kahit na ganun ang relasyon nila nagkita pa rin sila noong ika-16 ng Marso 2013. Dito sila huling nagtalik.
“Pagkatapos nun napansin ko nang may nagbabago sa katawan ko. Ilang linggo ang makalipas nakumpirma kong buntis ako. Gusto kong sabihin sa kanya nang personal pero parang ayaw na niya akong makita. Marami na siyang dahilan,†kwento ni Sean. Nawawalan na ng pag-asa si Sean na magkikita pa sila ni Shej kaya naman sa pamamagitan ng text, ipinaalam niya ang kanyang kalagayan.
“Hindi pa raw siya handa. Gusto niyang ipalaglag ang bata,†ayon kay Sean. Sinabi niya na rin ito sa kanyang mga magulang. Gusto nilang kausapin si Shej ngunit hindi na ito nakikipagkita sa kanya.
“Nag-text ang lola ko sa pamilya nila na ang ginawa ni Shej ay idaan daw namin sa legal. Pinaratangan naman nila kaming tinatakot daw namin sila dahil sa text na yun,†wika ni Sean.
Ika-4 ng Pebrero 2014 nang maÂnganak si Sean. Nagpunta ang pamilya ni Shej at sinabing tutulong sila sa gastusin sa ospital. Nag-abot umano ang pamilya ng sampung libong piso. “Ilang araw pagkapanganak ko, tinext sila ng mama ko para malaman namin kung ano ang ilalagay sa birth certificate ng bata. Ipapa-DNA raw muna nila para masigurong si Shej ang ama,†salaysay ni Sean. Ang idinadahilan ni Shej kung bakit hindi siya sigurado ay puro lalaki raw ang kaibigan ni Sean. Depensa ni Sean, tanging si Shej lamang daw ang lalaking kanyang nakakatalik. Hindi rin daw siya pakawalang babae para ganun ang isipin ni Shej sa kanya. Hindi rin maintindihan ni Sean ang nasa utak ni Shej dahil nung una, ayaw nitong kilalanin ang anak tapos bigla na lang itong nagsabi na kukunin ang bata kay Sean.
“Gusto ko na lang huÂmingi ng suporta para sa anak ko. Nagsisimula na ulit akong maging dance instructor ngayon. Kailangan kong kumayod lalo na kung hindi ako tutulungan ng tatay niya,†wika ni Sean.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Sean.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ayon sa ating ‘Family Code’ kapag ang edad ng bata ay mababa sa pitong taong gulang, sa ina mapupunta ang pangangalaga nito. Maliban na lamang kung ito ay hindi karapat-dapat na maging ina (unfit mother) at ang kalaÂlakihan ay hindi angkop para sa isang bata para matutunan niya ang mga tamang moral values ng isang kapaki-pakinabang na mamamayan. Sa ganitong punto maaaring magsampa ng kasong RA 9262 o Violence Against Women and their Children si Sean dahil sa hindi nito pagsuporta sa bata. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor City State Centre Bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.