^

Punto Mo

‘Kalinga para sa mahihina…’

- Tony Calvento - Pang-masa

ANG mga taong hindi katulad natin, na hindi nakakakilos ng normal at di nagagawa ang kaya natin dahil meron silang kapansanan ang siyang binigyang importansiya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

‘Special people need special care’, ito ang layunin ng PAGCOR kaya naman sa kanilang muling pagpapagawa ng mga gusali at classroom dahil panahon ng pasukan naisip nila ang mga taong may karamdaman. Sampung comfort rooms at dalawang nakadisenyo para sa mga may kapansanan ang isa sa maraming magandang katangian ng school building na pinapagawa ng PAGCOR sa Francisco G. Nepomuceno Memorial High School (FGNMHS) ng Angeles City, Pampanga. Noong mga nakaraang taon, halos 800 na high school students ng FGNMHS ang nag-aaral sa gawa gawa lamang na classrooms. Ang mga covered courts ang nagsilbing silid aralan ng mga estudyante. Gumagamit ng nagagalaw na pisara na gawa sa manipis na plywood upang mahati ang lugar at mahiwalay ang mga estudyante ayon sa kanilang baitang. Isang hamon naman para sa mga guro ang makuha ang atensiyon ng mga estudyante dahil sa dami ng mga bagay na agaw pansin sa paligid. Ngunit hindi naging sapat ang ginawang mga silid aralan upang matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante. Halos 6,000 ang mga mag-aaral na  pumapasok kada taon kaya naman kelangan ipatupad ng paaralan ang mga pang umaga at panghapon na estudyante. Dahil dito ang FGNMHS ay kasama sa Red Code ng Department of Education, ibig sabihin ang paaralan ay kailangan ng agarang dagdag ng mga silid.  Gayunpaman, maiiba ang senaryo ngayung taon dahil ang FGNMHS ang kauna-unahang paaralan sa Angeles City na napili ng PAGCOR at DepEd na makatanggap ng apat na palapag o 24-classroom building. Ang apat na palapag na gusaling ito ay nagkakahalaga ng 40 milyong piso. Bawat silid ay meron na rin isang ceiling fan at dalawang wall fans. Ang donasyon na ito ay bahagi ng “Matuwid na Daan sa Silid-Aralan” na proyekto ng PAGCOR na may layunin na mabigyan ng lunas ang problema sa kakulangan ng silid sa mga pam publikong paaralan sa buong bansa. Sa ngayon, ang PAGCOR ay naglaan ng P5 bilyon para sa school building project.

Sa turn-over ng mga bagong school building noong Mayo 30, 2014, muling ibinahagi ng Chairman at CEO ng PAGCOR na si Cristino Naguiat, Jr. ang pangako nitong tulungan ang sektor ng edukasyon ng bansa sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagong silid aralan.

“PAGCOR wants to make good its promise to be instrumental in shaping the minds of Filipino students. The youth of today will set the direction of our country in the future. That is why we want to empower them through education and provide them the tools that will enable them to succeed and fulfil their dreams,” wika ni Naguiat. Dagdag nito, hindi lamang sila katulong ng gobyerno sa pagbubuo ng mga silid kundi pati sa makabagong| public education. “DepEd and PAGCOR are studying how we can upgrade the mode of teaching in public schools by utilizing modern technology such as the internet, computers and tablets. Through good leadership and judicious use of funds, we can make these things happen,” pagmamalaki nito. Dumalo rin sa turn-over ceremony sa FGNMHS ang chair of Senate Committee on Games, Amusement and Sports na si Senator Sonny Angara. Nasaksihan nito ang malaking kontribusyon ng PAGCOR sa sektor ng edukasyon. “Nakita naman natin ang ginagawa ng PAGCOR. Pagbaba ni President Aquino, wala nang classroom shortage. Maswerte ang Francisco G. Nepomuceno Memorial High School dahil kayo ang kauna-unahang eskwelahan dito sa Angeles na nabiyayaan ng napaka-gandang school building.” Ayon sa punong guro ng FGNMHS na si Maria Celina-Vega, ang kanilang paaralan ang isa sa may pinaka malaking populasyon sa mga pampublikong paaralan sa Angeles City. “There are 41 public elementary schools in the city but there are only ten public high schools. Students from these elementary schools will eventually graduate and pursue secondary education. But since we have fewer high schools, overpopulation becomes a problem,” wika nito. Upang ma-accommodate ang lahat ng estudyante, isinasagawa ng paaralan ang pang umaga at pang hapong sesyon para sa Grade 7, 8 at 9. Pero dahil sa pagpapagawa ng PAGCOR-funded building, dalawang year levels ng FGNMHS ang hindi na kelangang mag dalawa o tatlong shifts. Bukod dito, maisasagawa na rin ng paaralan ang ideal classroom ratio ng DepEd na 45 estudyante kada silid-aralan.

 â€œThe completion of PAGCOR’s school building is very timely dahil nadagdagan na ang mga teachers namin. Kapag maraming teachers at konti ang classrooms, mahirap din ang sitwasyon. Shortchanged sa oras ang mga bata dahil mag-aantay sila hanggang may mabakanteng classroom. Sa tulong ng aming stakeholders katulad ng PAGCOR, we can be assured that our students will have the quality of education they deserve.”  Paliwang ni Vega.

Binigyang-dangal ng DepEd Undersecretary  for Regional Operations Rizalino Rivera  ang turn-over rites at pinuri ang PAGCOR pa patuloy na pagtulong nito sa DepEd na makapagbigay ng kalidad na edukasyon sa kabataan. “Education is not just the responsibility of the schools and the teachers but of the entire community. PAGCOR remains to be the Santa Claus of DepEd. Because of PAGCOR’s generosity, nagkaroon ng 24-classroom building ang eskwelahang ito. The covered court will also no longer be used in holding classes. Ang lahat ng repormang ito ay hindi mangyayari without our partners,” wika nito.

(KINALAP NI I-GIE MALIXI) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038.

 

 

ANGELES CITY

BUILDING

DAHIL

FRANCISCO G

NEPOMUCENO MEMORIAL HIGH SCHOOL

PAGCOR

SILID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with