^

Punto Mo

Obsession

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY psychiatrist na nagsasagawa ng group therapy session  para sa mga young moms na edad 20 hanggang 40. Na-g-umpisang magsalita ang psychiatrist:

Base sa aking obserbasyon habang isa-isa kayong nagkukuwento ng inyong buhay, lahat kayo ay may iba’t ibang obsession…ito ’yung mga bagay na kinahuhumalingan ninyo…kumbaga, mga trip n’yo sa buhay.

Ang unang ina ay nahuhumaling sa matatamis na pagkain kaya ang ipinangalan niya sa kanyang anak ay Baby Ruth. Ito ang brand ng paborito niyang chocolate.

Ang pangalawang  ina naman ay may obsession na yumaman kaya walang ginawa kundi magpalipat-lipat ng ibang bansa para doon magtrabaho. Pinangalanan niya ang kanyang anak ng Dirham dahil dati siyang OFW ng United Arab Emi-rates. Malalaman mo kung saan siyang bansa nagtrabaho sa pamamagitan ng pangalan ng iba niyang  anak: Riyal at Yen.

Ang pangatlong ina ay alak ang naging obsesyon. May anak siyang nagngangalang Vodka at Gin, short for Ginebra.

Hindi pa tapos ang pagsasalita ng psychiatrist pero isang ina sa bandang likuran ang nagpasiyang umalis nang walang sabi-sabi dahil hindi na niya gusto ang tinatakbo ng speech ng psychiatrist. Hindi na niya hihintaying ang obsession naman niya ang dalirutin ng psychiatrist na iyon. Kinausap niya ang kanyang anak na 4 years old na isinama niya dahil walang mag-aalaga:

“Uwi na tayo Dick. Susunduin pa natin sa school ang iyong Kuya Birdie.”

BABY RUTH

GINEBRA

KINAUSAP

KUYA BIRDIE

MALALAMAN

NIYA

PINANGALANAN

UNITED ARAB EMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with