^

Punto Mo

Uok (175)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“AYON po kay ‘Uok’ may kumalat na balita na pinatay daw si Luninging at saka itinapon sa ilog. Nang matagpuan daw si Luning-ning ay may tama ng matigas na bagay sa batok. Ano po ang alam mo rito, Tiyo Iluminado?’’

Namutla si Tiyo Iluminado at matagal bago nakasagot. Parang nag-isip nang malalim at nang sumagot ay magaralgal ang boses.

“Natagpuan nga si Luningning sa ilog na hubo’t hubad at patay na. At alam mo ba, may kumalat na balita, na ako raw ang pumatay sa kanya. Ginawa ko raw iyon para maipaghiganti si Renato. Nangyari raw ang krimen ilang araw makaraang matagpuan si Renato sa ilog. Nalaman din kasi ng buong barangay kaya nagpakamatay si Renato ay dahil nagtaksil si Luningning. May nakarinig pala sa amin ni Renato habang nag-uusap at ito ang nagtsismis hanggang kumalat ang nangyari…” tumigil siya sa pagsasalita.

“May kinalaman ka po, Tiyo Iluminado sa pagkamatay ni Luningning?”

“Wala. Hindi ko magagawang pumatay. Wala akong alam sa nangyari.’’

“Kasi po, hinala rin ni ‘Uok’ na mayroon kang nalalaman.’’

“Dahil siguro pinagtangkaan ko siya sa sementeryo. Iyon ay dahil sa bugso ng damdamin ko sa pagkamatay ni Renato. Hindi ko napigil ang sarili kaya ko siya hinabol. Natural lamang na magalit ako dahil awang-awa ako sa kapatid ko. Pero ang paghinalaan ako na may kinalaman ako sa pagkamatay ni Luningning ay wala akong nalalaman. Hindi ako kriminal. Malaki ang takot ko sa Diyos.’’

“Hindi naman po ako naniniwala na magagawa mo iyon, Tiyo Iluminado. Alam ko napakabait mo.’’

“Salamat Drew. Mabuti at nakauunawa ka.’’

“Pero sa palagay mo, Tiyo, sino kaya ang pumatay kay Luningning?”

“Hindi ko alam. Wala akong alam na maaring gawin iyon.’’

“Nakapagtataka po ano, Tiyo?”

“Misteryo nga.’’

“Hindi po kaya ibang lalaki?”

Nag-isip si Tiyo Iluminado.

(Itutuloy)

AKO

ALAM

LUNINGNING

PERO

RENATO

TIYO

TIYO ILUMINADO

UOK

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with