“MARAMI nang sinira ang hayop na si ‘Uok’ kaya hindi ako naniniwala na kaya nangyari ang pagtatalik nila ni Luningning ay dahil tinukso niya. MasÂyadong malibog ang ‘Uok†na ‘yun. Wala siyang pinipili. Kahit asawa ng kaibigan ay tinutuhog. Ang alam ko, maraming tinuhog si ‘Uok’ at pawang asawa ng mga nagsa-Saudi. Si Luningning lang ang naiiba dahil hindi naman nag-aabroad si Renato,’’ maÂlakas ang pagsasalita ni Tiyo Iluminado. Nakakailang shot na siya ng imported.
“Sabi po ni Sir Basil este ‘Uok’, maraming beses pong nagpakita ng motibo si LuÂningning kapag silang dalawa ang naiiwan sa bahay at nasa trabaho si Renato. Minsan daw po ay hindi isinasara ang pinto ng banyo habang naliligo. Minsan naman ay nagbibihis sa harap niya at may pagkakataon na naghuhubad nang panty. Pero iniwasan po niya iyon. Umaalis po siya ng bahay kapag alam niyang may balak si Luningning na manukso. Babalik lang daw po siya ng bahay kapag naroon na si Renato.’’
“Maniwala ako! Yung libog niyang iyon, makakatiis siya? Lalo pa kung naghubad ng panty.’’
“Yun po ang kuwento niya.’’
“Siyempre bersiyon niya iyon.’’
“At nangyari po ang pagtaÂtalik nang pasukin siya mismo sa kuwarto. Lasing po siya noon. Namalayan po niya na nakasubsob sa harapan niya si Luningning. Akala niya nananaginip siya pero totoo pala.’’
“Hindi ako naniniwala. Kinuwento sa akin ni Renato na huling-huli niya ang dalawa. Dumating si Renato sa bahay na malungkot na malungkot. Hindi nagsasalita. Nang tanungin ko, umiyak. Ikinuwento ang lahat. Sabi niya, umaga raw noon, bumalik siya sa bahay dahil nakalimutan ang baon niyang pagkain. Tahimik na tahimik daw sa bahay. Akala niya tulog na tulog pa ang asawa at si ‘Uok’ kaya dahan-dahan siya para hindi magising ang mga ito. Ang balak niya, kukunin lamang ang baong pagkain at aalis na rin. Pero nakarinig siya ng ungol mula sa kuwarto. Ibang klase ang ungol. Lumapit siya sa kuwarto para alamin iyon.’’
(Itutuloy)