^

Punto Mo

Uok (168)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“K UNG makakausap mo si Iluminado, sabihin mo sa kanya na gusto kong makipagbati sa kanya. Gusto kong maki­pagkaibigan sa kanya katulad ng pagkakaibigan namin ni Renato. Sabihin mo rin ang kalagayan ko na minsan nang na-stroke. Nagpapasa­lamat ako sa Diyos at bi­nigyan pa ng isang pagkakataon na mabuhay,” sabi ni Basil. Seryosong-seryoso ang tinig nito.

“Opo. Sasabihin ko po.’’

“Pero huwag mo nang mababanggit ang nasabi ko sa’yo kanina. Yung tungkol sa pagkamatay ni Luning­ning. Yun ay suspetsa ko lang. Kuru-kuro ko lamang. Maaasahan ko ba, Drew?’’

“Opo. Maaasahan mo po ako na hindi ko iyon sasa­bihin. Tayong dalawa lamang ang makaaalam.’’

“Salamat,” sabi ni Basil at tinapik-tapik si Drew sa braso. “Teka, kailan naman ang balak mong magtungo sa probinsiya?”

“Wala pa po akong tiyak na araw. Pero siguro bago po matapos ang buwan na ito ay sasaglit ako. Kasi po, nabanggit ni Daddy na dalawin ko raw si Tiyo Iluminado dahil matagal na rin na hindi ako nakakapagbakasyon doon. Marami po kasing ipinada­dalang pasalubong si Daddy kay Tiyo Iluminado.’’

“Ganun ba? Talaga bang magpinsan ang daddy mo at si Iluminado?”

“Mag-second cousin po sila. Pero sa magpipinsan ay sila lang ni Daddy ang closed. Yun pong si Renato ay hindi gaanong ka-closed ni Daddy.’’

“Ah. Sige kung matutuloy ka at magkausap kayo, ikaw na ang magkuwento ng mga napag-usapan natin. Para naman  malinis ang pangalan ko.’’

“Opo. Gagawin ko po.’’

“Puwede ring silipin mo ang lote ko. Tingnan mo kung naroon pa ang ginibang bahay. Kasi sabi ko sa mga inupahan kong worker, alisin­ ang giniba at saka bakuran ng alambre. Bahala na kung ano ang ma­isip gawin dun ni Gab. Kay Gab ko na kasi ipapangalan ang titulo nun.’’

“Sige po. Masusunod po.’’

 

MAKALIPAS ang dalawang linggo, nagtungo sa probinsiya si Drew. Marami siyang pasalubong kina Tiyo Iluminado at Tiya Encar­nacion. Hindi na siya nag-text sa mag-asawa. Sosorpresahin niya ang mga ito.

(Itutuloy)

ILUMINADO

KASI

KAY GAB

MAAASAHAN

MARAMI

OPO

PERO

SHY

TIYO ILUMINADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with