^

Punto Mo

Pagsalitain muna si Napoles

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MASYADONG atat na nagbibigay na agad ng mga reaksiyon ang ilang mamba­batas at iba pang opisyal ng gobyerno na dawit sa mga naunang listahan na may kina­laman sa pork barrel scam.

Hindi ko malaman kung ang pagkaatat ng mga ito ay dahil sa kabado sila at nabisto ang kalokohan o nakikisali para lituhin ang kaisipan ng taumbayan.

Masyadong maaga pa rin na sabihing puwede o hindi pasado para maging state witness si Janet Lim-Napoles dahil hindi naman ang mga senador, kongresista at ang Malacañang ang magde­desisyon kung dapat nga itong tanggaping testigo.

Ang Ombudsman ang magpapasya kung papasok bilang state witness si Napoles batay sa mga ibubunyag nitong testimonya na may sapat na ebidensiya at kung mapapatunayan nito na hindi siya ang utak ng nasabing scam.

Isa sa mga maiingay ngayon ay ang ilang senador na nadawit sa Napoles lists na noong una ay nagmumukhang malinis sa mata ng tao dahil sila ang pangunahing dumidiin sa mga isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Naniniwala akong hintayin muna ang nilalaman ng sinasabing pinal na at extended affidavit ni Napoles. Batay sa report, aabot sa 18 senador at mahigit na 100 kongresista ang sangkot sa scam.

Matapos na pormal na maisapubliko ang mga pangalan ay isunod na rin ang mga ebidensiya rito upang maging basehan para masampahan ng kaso ang mga opisyal na posibleng nakinabang sa katiwalian.

Mas makabubuting hayaan lang muna na magsalita si Napoles dahil kung magtatahi-tahi lang naman ito ng kasinungalingan, siya rin ang madidiin at mas magiging paborable sa mga idinawit na opisyal na inosente o talagang walang kinalaman sa anomalya.

Puwede namang pasukahin ng mga ebidensiya si Napoles sa bawat pangalan na isinangkot sa scam. Repasuhin ito ng Ombudsman at sampahan ng kaso.

Makabubuting manahimik na lang muna ang mga idinadawit sa listahan at hayaan na maglabas ng ebidensiya si Napoles. Maghanda-handa na rin ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa anomalya dahil batay sa pangako ng Malacañang, walang sisinuhin kahit pa kaalyado.

 

ANG OMBUDSMAN

BATAY

ISA

JANET LIM-NAPOLES

MALACA

NAPOLES

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with