Madrasta (Last Part)
HINDI makapaniwala si Lola Pilang sa narinig. Pinapalayas siya at ang kanyang pamilya ng kanyang ama! Noon, hindi naninigaw ang kanyang ama. Pero ngayon, hindi lang sumigaw, pinapalayas pa sila. Saan sila lilipat ? Di ba’t pinigilan silang magpagawa ng bahay noong bagong kasal pa lang ?
Ang aking ina ay litong-lito sa mga pangyayari. Tinakbo ng aking ina ang bahay ng kanyang lolo-tiyo at doon nagsumbong. Si lolo-tiyo ay kapatid ni Anda Ule. Agad sumugod ang kanyang lolo-tiyo at kinausap nang masinsinan ang kapatid. Sa gitna ng pag-uusap, biglang nawalan ng malay si Lola Pilang. Hindi nakayanan ang stress na naranasan. Isinugod ang aking lola sa ospital at doon nalaman na tumaas ang kanyang presyon. Iyon ang naging simula ng pagtaas ng kanyang blood pressure hanggang nagpasiya ang kanyang doktor na bigyan siya ng “maintenanceâ€.
Walang nangyari sa pagkausap ni Lolo-Tiyo kay Anda Ule. Tuloy pa rin ang pagpapalayas sa pamilya ng aking ina. Masuwerte namang nakakuha sila ng bahay na mauupahan. Akala ng aking ina ay ayos na ang lahat. Hindi pala. Lagi niyang nahuhuli na nag-iiyak si Lola Pilang. Hindi akalain ng aking lola na doon magtatapos ang magandang relasyon nilang mag-ama dahil lang kay Fermina.
Noon ay nagdiriwang ng piyesta sa barangay nila. Nahilo si Lola Pilang, nawalan ng malay at hindi kailanman gumising. Pumanaw si Lola sa edad na 49. Isang inang marami pa sanang kasiyahang mararanasan kapiling ang kanyang pamilya, ang pumanaw nang maaga dahil lang sa sama ng loob dulot ng isang madrasta.
- Latest