‘Pahingi po ng Donasyon’
KAPAG nasa tamang proseso ang panghihingi ng donasyon…diyan, ako handa at buong pusong magbibigay. Pero kung ito ay nakukulapulan ng pagdududa, teka muna.
Isang araw na ako ay nasa waiting room ng therapy center ng isang ospital sa Quezon City, narinig kong kinakausap ng babae ang lalaking katabi ko ang upuan.
Babae: Puwede bang humingi ng tulong sa iyo?
Tumingin ang lalaki sa babae. Ang babae ulit ang nagsalita.
Babae: May apo ako na nasa ospital. Wala kaming pambili ng gamot.
Dumukot ng pera ang lalaki sa wallet at iniabot sa babae. Mula sa sulok ng aking mata, nakita kong tumingin sa akin ang babae. Sa kanyang body language, gusto niyang lumapit sa akin at ako naman ang hihingan ng pera. Nasa harapan ko na ang babae nang biglang tawagin ng therapist ang aking pangalan. Lihim akong napangiti. Save by the bell. Sa totoo lang, malakas ang kutob ko na nandidilehensiya lang ang babae.
Binubuo ng ilang sessions ang aking therapy kaya inabot ito ng isang buwan. Ang therapy center at ang opisina ng health insurance na nagbabayad sa aking therapy ay magkahiwalay ng building. Kailangan muna kaming magpa-approve bago magpagamot. Habang nakapila kami para magpa-approve, heto na naman ang babaeng nanghihingi ng donasyon. Matagal nang may sakit ang kanyang apo, huh! Mas maraming tao sa building na ito kumpara sa building kung nasaan ang therapy center. Iniisa-isa niya ang mga taong nakaupong naghihintay sa labas ng klinika ng kanilang doktor. Ganoon din ang dayalog niya: Kailangan niya ang pera para sa maysakit na apo. May nagbibigay, mayroon din tumatanggi. Noong ako ang nilapitan, tumungo ako na tila nag-antok-antukan. Ayokong makipag-eye contact sa hindi ko kakilala lalo na kung sa tingin ko ay negative person ito. Nang magsalita ang babae ay itinaas ko ang aking kamay na nagmumuwestra na “wala†or “hindi ako magbibigayâ€.
Pagsakay namin sa elevator, naroon na naman ang babae at nanghihingi na naman ng donasyon sa nagsisiksikang tao sa elevator. Walang patawad. Hanggang elevator?
- Latest