“MADALAS na sa balkonahe ng kanilang bahay kami nagkukuwentuhan at nag-iinuman ni Renato. Gustong-gusto ni Renato na uminom ng hard. Kaya kapag nagbabakasyon ako sa kanila, nagdadala na ako ng imported na alak. Magpapaluto siya ng kare-kareng puso ng saging sa palengke. Yung maanghang. Ang kare-kareng puso ay ginagataan at may kasamang dugo ng baboy. Parang dinuguan at nilalagyan ng maraming sili. Halos umusok ang bibig namin sa dami ng sili.
“At yun nga habang nag-iinuman kami ni Renato, pasulyap-sulyap ang asawa ni Renato. Hindi ko alam kung bakit siya pasulyap-sulyap at kung sino sa aming dalaÂwa ni Renato ang sinusul-yapan. Naisip ko naman na baka napapatingin lang ang asawa ni Renato. Baka hindi sinasadya ang pagtingin sa amin.
“Pero nang muli akong tumingin sa kanya, nakumpirma ko na sa akin nakatingin. Talagang sa akin nakapokus. At nang mahalata na napansin ko ang pagtitig niya, biglang umalis sa kinatatayuan. Pumasok na sa loob ng bahay. Gayunman, hindi ko iyon binigyang-pansin…’’
“Ano pong pangalan ng asawa ni Renato, Sir Basil?’’
“Luning-ning.’’
“Ah nataÂtandaan ko na ang pangaÂlang iyon. IkiÂnuwento sa akin ni Tiyo Iluminado.’’
‘‘Natitiyak ko, iba ang berÂsiyon ni Iluminado.’’
‘‘Ang sabi po niya, naabutan daw kayo ni Renato habang nagtatalik ni Luningning. Sa bahay daw po mismo ni Renato nangyari ang pagtatalik ninyo. Bigla raw pong dumating si Renato dahil may nakalimutan yata. Pumapasok daw po si Renato sa trabaho sa munisipyo. Naabutan daw kayong magkapatong. At iyon daw ang dahilan kaya nagpakamatay si Renato. Sa sobrang sama ng loob ay tumalon sa Ilog Pola. Galit na galit po si Tiyo Iluminado sa inyo. Balak ka raw hantingin ni Tiyo Iluminado pero nagtago ka raw dito sa Maynila. Kaya nga po ang tawag niya sa iyo ay si Uok....maninira ka raw ng tahanan. Kaya pala kapag nakakakita siya ng uok sa niyog, pinapatay niya.’’
Napabuntunghininga si Basil.
‘‘Sabi ko na nga ba at iba ang bersiyon ni Iluminado. Ako ang lumalabas na masama. Na ako ang dahilan kaya nagpakamatay si Renato. Hindi niya alam, si Luningning ang nagkaloob mismo ng kanyang sarili sa akin.†(Itutuloy)