^

Punto Mo

Ganito ang gawin mo, Gen. Bantolo

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

KUNG nais ni Chief Supt. Allen Bantolo, chief of directorial staff ng NCRPO, na linisin ang pangalan niya, ang una niyang dapat gawin  ay ipaaresto sina SPO2 Noel de Castro at SPO1 Jojo Cruz. Sina De Castro at Cruz kasi ay nagyayabang sa kalye na reporting sila kay Bantolo sa ‘‘tong’’ collection activities nila, hindi lang sa gambling lords kundi maging sa beerhouse, nightclubs at iba pang ilegal. Kapag napaaresto na niya sina De Castro at Cruz, maniniwala na ang sambayanan na talagang walang basbas ni Bantolo ang kabuktutan nila, di ba mga kosa? At hindi lang ang pangalan niya ang malilinis ni Bantolo kundi maging ang kay NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria! Hanggang ngayon kasi, patuloy na nag-iikot sa buong Metro Manila sina De Castro at Cruz at kinakausap ang financiers ng mga ilegal para itaas ang weekly tong collection ng NCRPO. ‘Yan ay sa kabila ng walang puknat na raid na isinagawa ng NCRPO sa pasugalan at mga putahan nitong nagdaang mga araw. Kaya panahon na para tuldukan nina Valmoria at Bantolo ang pag-iikot nina De Castro at Cruz dahil inaanay na ang mga opisina nila at hayagan pang sinusuway ang ‘‘no take’’ policy ni DILG Sec. Mar Roxas. At higit sa lahat, ang pag-iikot nina De Castro at Cruz ay hindi tugma sa ‘‘daang matuwid’’ na slogan ni President Aquino, di ba mga kosa? Mismo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Bilang argumento lang ng mga kosa ko sa Bicutan, hindi sila naniniwala na hindi pa nakarating sa kaalaman ni Bantolo ang pag-iikot nina De Castro at Cruz. Kasi nga, isang magaling na intelligence officer si Bantolo, na kahit mga nagtatago pang komunista at mga kriminal ay naaabot niya. At mapapatunayan ‘yan ng mga accomplishments niya, ayon sa mga kosa ko sa Bicutan. Kaya sisiw lang kay Bantolo na abutin ang tong collection activities nina De Castro at Cruz dahil sa tingin ng mga kosa ko, buhay pa ang intelligence network niya. Kung nabulag si Bantolo sa isyu tungkol kina De Castro at Cruz, may mahalagang dahilan kaya? Baka pitsa? T’yak ‘yun! Ano sa tingin n’yo, mga kosa ko dyan sa Bicutan?

Sa pagkaalam ng mga kosa ko, ang palaging kautusan ni Valmoria sa pagbisita niya sa police stations sa Metro Manila ay linisin ang bakuran nila sa illegal gambling at iba pang ilegal. Subalit taliwas naman sa kautusan ni Valmoria, ang pag-iikot nina De Castro at Cruz at ginagamit pa ang pangalan ni Bantolo. Anyare’, Gen. Valmoria Sir?

Sa panahon kasi ngayon ng hi-tech gadgets, halos wala ka nang maitago sa kalye. Magtataka ka pa at konting kilos mo lang ay nakakarating na sa diyaryo, TV at radio. Kung ang isang opisyal ng PNP ay palaging nasa diyaryo, TV at radio, ibig sabihin niyan may mga alaga silang Doberman na ngasab nang ngasab sa kalye at lahat pinapatulan, kasama na ang sugal-lupa na tong-its, di ba mga kosa? Kaya dapat ipagbawal na ng PNP leadership ang «bidding» ng lingguhang intelihensiya. Malaki nga ang take home nila sa pamilya, subalit ang imahe naman ng PNP ang nagigiba, di ba mga kosa? Dapat kung ano lang ang kaya para walang ugong at maging tahimik din ang tabakuhan! ‘Ika nga kurot lang, di ba CIDG chief Dir. Benjie Magalong, DI chief Dir. Charles Calima, IG director Chief Supt. Dado Ramos at NBI director Virgilio Mendez Sir’s? Abangan!

BANTOLO

BICUTAN

CASTRO

CHIEF SUPT

CRUZ

DE CASTRO

KAYA

KOSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with