ISANG doktor sa Birmingham, Alabama ang naglakad ng anim na milya (10 kilometro) sa kabila na bumabagyo ng niyebe mapuntahan lamang ang isang pasyente na kinakailangang operahan sa utak.
Kakatapos lang ni Dr. Zenko Hrynkiw sa isang operasyon nang makatanggap ng tawag sa isang kapwa doktor. May emergency pala ang isa niyang pasyente sa ibang ospital at may posibilidad na mamatay ito kung hindi niya maooperahan sa utak sa lalong madaling panahon.
Sakay ng kotse, agad umalis si Dr. Zenko papunta sa ospital kung nasaan ang nasabing pasÂyente ngunit dahil sa kapal ng niyebeng bumabagsak, nagkaroon ng roadblock. Pinipigilan na ang mga motorista dahil hindi na ligtas ang kalsada.
Sinubukan siyang tulungan ng mga kinauukulan sa pamamagitan ng pagbibigay ng ibang sasakyan na maaring maghatid sa kanya sa ospital subalit wala talagang sasakyan na kayang sumuong sa makapal na niyebe.
Napagpasyahan ni Dr. Zenko na lakarin ang anim na milya papunta sa ospital na kinaroroonan ng pasyente.
Limang oras ang ginawang paglalakad ni Dr. Zenko papunta sa ospital. Ngunit sa kabila ng anim na milyang paglalakad sa gitna ng mga nagyeyelong kalsada, ni hindi man lamang tumigil para magpahinga si Dr. ZenkoÂ. Dumiretso agad siya sa pasÂyente at ginawa ang operasyon.
Naging matagumpay ang operasÂyon at nailigtas ang pasÂyente sa kamatayan.
Marami ang humanga kay Dr. Zenko. Para naman sa doktor, ang kanyang ginawa ay parte ng kanyang trabaho at ginampanan lamang ang tungkulin.