^

Punto Mo

Fried chicken at crispy pata

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi na maitago, nagparamdam at nagpakita na ng kanilang pagkadismaya at nagsisipag-alburuto na ang mga opisyal na graduate sa Philippine National Police Academy (PNPA).

Ito ay dahil umano sa patuloy na diskriminasyon at pag-iral ng ‘favoritism’ sa promosyon sa mga puwesto sa PNP na pumapabor sa mga graduate sa Philippine Military Academy (PMA).

Hindi ito dapat ipagwalang-bahala, dahil ayon sa report, may naganap na umanong pag-uusap sa pagitan ng mga naging Class President ng PNPA mula  1983 hanggang 1992 at sinabing kailangan na nilang mailabas ang kanilang mga karaingan. 

Mariing kinokondena nga ang hindi patas na pagtrato sa mga graduates ng PNPA at PMA. Maging sa mga posisyon sa Pambansang Pulisya ay sa PMA pa kinukuha. Maging sa mga promosyon nagiging kulelat ang graduates ng PNPA.

Kung ang nagtapos sa PNPA ay isang fried chicken ang trato naman umano sa nagtapos sa PMA ay crispy pata .

Ibinulgar rin ng mga naghihimutok na opisyal  na sa kasalukuyan ay mahigit  lamang sa 300 ang PMA officers sa PNP pero 95 % sa mga ito ang nakapuwesto sa ahensya, hindi lang basta nakapuwesto, nasa magandang puwesto. Nasa 3,600 naman ang mga PNPA graduates sa PNP.

Matagal na raw nila itong hinaing, pero palaging dedma ang mga kinauukulan ukol dito.

Iginiit ng opisyal na hindi makatwiran na tratuhin silang mga 2nd class citizens ng liderato ng PNP partikular na sa promosyon at maging sa mga bakanteng puwesto na kadalasan nga PMAer  ang nakikinabang.

Tinukoy nito na ang bumubuo sa PNP Senior Officers Placement and Promotions Board (SOPPB)  ay 100 % na binubuo ng PMA officers na karamihan ay pinapaboran sa promosyon ang kanilang mga kapwa ‘crispy pata’ kumpara sa mga ‘friend chicken’ sa kanilang hanay.

Dapat itong matutukan ng mga kinauukulan, hindi ito dapat ipagwalang bahala at baka lalo pang lumala.

Ngayon pa lamang dapat na itong pag-usapan o magkaliwanagan, baka kasi dumating ang oras na malaki ang sunog na matagal din namang naging baga   lamang.

 

 

CLASS PRESIDENT

DAPAT

IBINULGAR

PAMBANSANG PULISYA

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY

SENIOR OFFICERS PLACEMENT AND PROMOTIONS BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with