^

Punto Mo

EDITORYAL - Siguruhin ang kaligtasan ng mga pasahero

Pang-masa

H INDI na dapat maulit ang mga malalagim na aksidente sa bus na ang nagiging kawawa ay mga pasahero. Maiiwasan ito kung magkakaroon lamang ng regular maintenance ang mga kompanya sa kanilang binibiyaheng bus. Hindi magkakaroon ng aberya kung bago umalis sa terminal ay magkakaroon ng mabusising pag-iinspeksiyon. Kadalasang dahilan ng pagbangga at pagkahulog sa bangin ng bus ay nawalan ng preno.

Ngayong Mahal na Araw, inaasahan ang pagdagsa nang maraming pasahero sa mga terminal. Mas ma­rami ang umuuwi sa probinsiya kung Mahal na Araw kaysa iba pang okasyon. Mahaba kasi ang bakasyon at wala nang pasok ang mga estudyante. Kahapon, may mga pasahero nang nagdadagsaan sa mga bus terminal sa Cubao, QC at Sampaloc, Manila.

Sa ganitong sitwasyon, hindi lamang ang mga bus company ang nararapat magsagawa ng pagbusisi sa kanilang mga bus kundi pati na rin ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO). Alam na ng dalawang ahensiyang ito na maraming bus company ang hinahayaan na lamang na tumakbo nang tumakbo ang kanilang bus sa kabila na walang preno, kalbo ang mga gulong, walang ilaw at walang plaka o kolorum.

Marami nang malalagim na aksidente ang nangyari at mga kawawang pasahero ang nagdusa. Noong nakaraang Pebrero, nahulog sa bangin ang Florida Bus habang patungo sa Mountain Province na ikinamatay ng 14 na pasahero. Nawalan daw ng preno. Noong nakaraang linggo lamang, isang pampasaherong bus na patungong Batangas ang bumaliktad sa SLEX na ikinasugat nang maraming pasahero kabilang ang isang babae na naputulan ng braso. Nawalan din daw ng preno. Noong nakaraang Disyembre 16, 2013, nahulog sa Skyway ang Don Mariano Transit na ikinamatay ng pitong pasahero. Nawalan din ng preno.

Magkaroon nang puspusang pag-iinspeksiyon ang LTFRB at LTO sa mga bus na bibiyahe ngayong Mahal na Araw. Huwag hayaang makaalis sa terminal ang mga bus na walang preno. Magkaroon din ng sorpresang drug testing sa mga bus driver para makaiwas sa malagim na aksidente.

 

ARAW

BUS

DON MARIANO TRANSIT

FLORIDA BUS

FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LAND TRANSPORTATION

LAND TRANSPORTATION OFFICE

NAWALAN

NOONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with