^

Punto Mo

‘Apat na taong galing sa pag-‘sing’’

- Tony Calvento - Pang-masa

HALOS sa lahat ng bahay isa sa pangunahing gamit na iyong makikita ay ang mikropono o ‘sing-along’. Tayo na yata ang bansang tunay na masasabing kay ganda ang musika, kaya naman hindi na kagulat-gulat kung may mga dugong Pinoy na nasasali sa mga ‘singing contest’ tulad ng American Idol, The Voice at ilan pa sa iba’t-ibang bansa. Ang huling ‘sensation’ ay si Rose “Osang” Fostanes ng “X Factor Israel”.

Dahil ang pag-awit ay kasama na sa ating kultura, ang Philip­pine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR kasama ang Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) na maglunsad muli ng ikaapat na taon ng patimpalak sa mga mang-aawit. Ang “OPM @ PAGCOR 4: A Nationwide Search for the Total OPM Performer.”

Sinabi ng presidente ng OPM na si Ogie Alcasid na isa sa pinakamahusay na mang-aawit at naglalagay ng titik sa himig na ang patuloy na samahan ng OPM at PAGCOR ay nagbibigay inspirasyon sa mga mang-aawit na naghihintay ng pagkakataon upang maipakita ang kanilang natatanging talento na makakapagbigay sa kanila ng magandang kinabukasan.

Sinabi rin ni Alcasid na ang OPM@PAGCOR ay kaiba sa mga patimpalak sa bansa dahil nagiging daan ito sa mga nagwagi at sa ibang ‘finalists’ na maging ganap na propesyonal upang matamasa nila ang pagkilala kasama na rin ng pagkita ng pera para sa kanilang pinagpapaguran. Maliban pa rito, mabubuksan ang kanilang pagkakataon na magpakita ng kanilang talento sa iba’t-ibang branches ng Casino Filipino ng PAGCOR.

“Ang patimpalak na ito ay naglalayong maikintal ang nasyonalismo sa pag-iisip ng makabagong henerasyon sa pamamagitan ng musika,” ani Alcasid.

Dagdag pa niya, ang mga Pilipino ay may natural na talento sa pagkanta.

 â€œTalentado ang mga Pilipino. Kung patuloy nating itataguyod at susuportahan ang sarili nating musika, mapapasok natin ang ‘global market’. Umaasa ako na may madidiskubre pa tayong ‘world-class talents’ na magbibigay ng pagkilala sa OPM at pagtibayin ang ‘local music industry,” sabi ni Alcasid.

Ipinagmamalaki ni PAGCOR ‘Assistant VP for Entertainment’ na si Bong Quintana ang pambihirang tagumpay ng proyekto makalipas ang tatlong yugto, “Ang OPM@PAGCOR ay nakapag-produce na ng magagaling na ‘performers’. Patuloy na nagtatanghal ang mga nagwagi sa nakaraang OPM@PAGCOR sa ibat-ibang ‘entertainment shows’ ng Casino Filipino kasama ang ilan sa mga ‘icons’ ng industriya ng musikang Pilipino. Masaya kami na matulungan silang  matupad ang kanilang pangarap sa larangan ng musika.”

Ayon kay Quintana marami pang natatagong talento sa bansa.  “Kailangan lang silang bigyan ng oportunidad upang maipakita ang kanilang bagitong talento at OPM@PAGCOR ang sagot dito.” ani Quintana Ibinahagi naman ni Karl Aris Tanhueco, ang “grand winner” ng OPM@PAGCOR3, na ang pagkakapanalo niya sa OPM@PAGCOR ang nagbigay ng pagkakataon  upang makasama nyang magtanghal ang ilan sa paborito niyang OPM na mang-aawit.

“Matapos ang kompetisyong ito, nabigyan ako ng pagkakataong makasama ang OPM ‘veterans’ tulad ni Ms. Pilita Corales. Masaya rin ako dahil nakasama ko na rin sa mga ‘shows’ yung ‘champions’ ng ibang ‘singing contests’ tulad ni Ms. Rachel Ann Go (Star for a Night) at KZ Tandingan (X Factor Philippines). Ito ang mga karanasang pumukaw sa akin upang maging mas magaling na ‘performer,” pahayag ni Tanhueco. Bilang isa sa PAGCOR’s homegrown artists, naniniwala si Tanhueco na ang patuloy niyang paglabas sa mga music scene ang kanyang magiging tuntungan upang marating ang tagumpay.

“Isa sa mga pangarap ko ang makilala ako ng mga tao sa talentong meron ako. As a PAGCOR artist mas madali kong nakakamit yung mga pangarap ko dahil nabibigyan kami ng pagkakataon na makapagtanghal sa iba’t ibang lugar,” wika niya.

Samantala pinuri nina OPM Secretary Dingdong Avanzado at OPM Vice President for External Affairs Noel Cabangon ang PAGCOR para sa patuloy na pagsuporta nito sa mga Filipino Artists at sa Philippine Music Industry.

Ayon kay Cabangon, ang OPM@PAGCOR ay isa ng tradisyon sa pagpapatupad ng pangarap ng mga talentadong Pilipino, “Pang-apat na yugto na ito ng nationwide search natin for total OPM performers.”

Lubos ang kanilang pasasalamat sa PAGCOR dahil kundi sa tulong nito hindi sila makakatuklas ng mga bagong talento. Ipinagmamalaki din ni Avanzado na ang kanyang asawa na si Jessa Zaragoza, singer-actress ay bahagi ng talent search para sa bagong OPM talents sa mga nakaraang tatlong yugto.

“Dati kaming nagsisimula lamang na talent. Ang pagtulong sa mga kabataang ito para makamtan ang kanilang pangarap ay sa pamamagitan ng  talent search na ito ay isa ng katuparan.”

Maaaring sumali sa patimpalak na OPM@PAGCOR ang may kakayahang kumanta na ang mga edad ay nasa pagitan ng labingwalong anyos hanggang tatlumput lima. Ang tatlong mangungunang magwawagi ay makakatanggap ng premyo na nagkakahalaga ng P300,000 para sa “Grand Winner”, P200,000 para sa “Second Placer” at P100,000 para sa “Third Placer”.

Maliban pa dito ang hihiranging Grand Winner ay papipirmahin ng kontrata mula sa Casino Filipino para siya’y makapagtanghal (Performance Contract).Para sa ibang lumahok makakatanggap naman sila ng ‘Consolation Prize’ na nagkakahalaga ng P20,000 bawat isa.

Ang nationwide audition para sa OPM@PAGCOR 4 ay tatagal mula ika-2 ng Abril hanggang ika-30 ng Abril 2014 sa ibat-ibang sangay ng Casino Filipino.

Ang ‘Grand Finals Night’ ay gaganapin sa ika-6 ng Hunyo 2014 sa PAGCOR Grand Theater of Airport Casino Filipino sa Parañaque City.

 (KINALAP NI JUVELYN MORILLA) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.

vuukle comment

ALCASID

CASINO FILIPINO

GRAND WINNER

IBANG

OPM

PAGCOR

PARA

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with