Mag-asawa sa Amerika, 3 beses nanalo sa lotto sa loob ng 1 buwan
ISANG mag-asawa sa Portsmouth, Virginia, USA ang nanalo ng tatlong beses sa lotto sa loob lamang ng isang buwan. Ang mag-asawa ay nakilalang sina Calvin at Zatera Spencer.
Unang nanalo ang mag-asawa sa lotto noon lamang nakaraang Marso 12 ng kasalukuyang taon. Nanalo sila ng $1 milyon o humigit-kumulang na P45-milyon. Ang matindi ay nang manalo muli sila noong Marso 26 kung saan $50,000 o higit sa P2 milyon.
Pero hindi pa pala tapos ang suwerte ng mag-asawa sapagkat kinabukasan, Marso 27, muli naman silang inulan ng suwerte. Nanalo na naman sila. Nagkatotoo sa kanila ang kasabihang “kapag umulan ay umaapaw sa damiâ€.
Ayon kay Calvin, bumili siya ng isang lottery ticket matapos ihatid sa opisina ang kanyang asawa. Iyon pala ang magpapanalo sa kanila sa ikatlong pagkakataon. Isang milyong dolyar ang nadagdag sa kanilang naipong yaman.
Ayon pa kay Calvin, kakaiba ang mga kombinasyong numero na nagpanalo sa kanila --- 6666. Kung sa iba ay numero ito ng demonyo, ito naman ay suwerte sa kanila.
Ayon sa mag-asawa, hindi sila titigil sa pagtaya sa lotto. Sa katunayan, siguradong-sigurado si Calvin na masusundan pa ang ikatlo nilang pagkapanalo. Sunud-sunod pa raw ito.
- Latest