^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi na uubra ang pasingit-singit

Pang-masa

ISANG masamang ugali ng mga Pinoy ang su­mingit sa pila para madaling makarating sa unahan. Maraming sumisingit sa pila habang nagbabayad ng bills, bumibili ng bigas at iba pang paninda o kaya’y pila sa pagkuha ng taxi. Ang matindi pa, ang mga sumisingit na ito ang karaniwang maaangas na ang pagkilala sa sarili ay hari na sila ang dapat mauna sa pila. Palibhasa’y marami sa mga Pilipino ang mapagpasensiya, pinalalampas na lamang ang pasaway na sumisingit sa pila. Pero meron din naman na hindi makatiis kaya pinagmumulan ng away ang pagsingit sa pila. Kung minsan, humahantong sa madugo ang pagtatalo dahil sa pagsingit sa pila.

Ang ganitong problema ang nakita ng dalawang party-list representatives kaya pinanukala ang House Bill 3953 o ang Anti-Pasaway Act of 2014. Layunin ng panukalang batas na maisaisip ng bawat isa ang disiplina, pagbibigayan, paggalang sa kapwa ganundin ang pagdating sa tamang oras. Ayon kina Ako Bikol Party-list Reps. Christopher Co at Rodel Batocabe, mahalaga ang disiplina sa bawat isa. Ang pag-cut sa pila para mauna ay nagdudulot ng pagtatalo at kung minsan ay madugo. Dapat nang maputol ang ganitong senaryo. Ang panukalang batas ay wala ring ipinagkaiba sa “wangwang” policy ni President Aquino.

Ayon sa panukala, ang sinumang lumabag ay parurusahan ng isang buwan na pagkakulong at multang P10,000. Kapag nangyari ang paglabag sa lugar na deklaradong may kalamidad, anim na buwang pagkakulong at P25,000 ang multa.

Kapaki-pakinabang ang panukalang ito at nararapat suportahan. Maraming gustong maghari-harian na para bang sila ang dapat laging nasa una. Maski sa pila ng mga sasakyan ay nakikita rin ang mga pasaway. Ngayong may panukala na para sa mga pasaway, tiyak na mababawasan na ang pasingit-singit sa pila. Kailangang magkaroon ng disiplina para matalunton ang “daang matuwid” na magdadala sa tagumpay ng bawat isa.

 

AKO BIKOL PARTY

ANTI-PASAWAY ACT

AYON

CHRISTOPHER CO

HOUSE BILL

MARAMING

PILA

PRESIDENT AQUINO

RODEL BATOCABE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with