PAPASOK na ang summer.
Marami na ang excited. Abala sa sari-sarili nilang binabalak na bakasyon.
Ngayong tag-araw, nagbababala ang BITAG. Mag-ingat sa estado ng road rage o pagiging mainitin ang ulo sa lansangan.
Maraming mga triggers o dahilan ang road rage.
Ayon sa mga dalubhasang psychiatrist, dahil tag-init, madali ring uminit ang ulo ng mga motorista.
Maraming mga bayolenteng insidente sa lansangan. Sagian at banggaan na nauuwi sa pisikal at madugong komprontasyon.
Tatlo lang ang kahahantungan nito. Kung hindi pagamutan dahil nagkasakitan, matatabang rehas ng bilangguan.
Kapag hindi nakapag-kontrol at nakapatay, siguradong may didiretso sa bilangguan.
Ilan sa mga pangunahing factor o sanhi ng road rage ang problemang emosyunal, pinansyal at psychological.
Maaaring may bumabagabag sa isang motorista, problema sa pamilya, sa pinapasukang trabho o kinakapos ang kita.
Sa public service ng BITAG, lumapit ang mag-amang pastor na sina Jesus at Marlon Pineda.
Ang kanilang inirereklamo, magkapatid na “astig†na pulis-Tarlac na sina P03 Sherwin Garcia at P01 Garcia.
Kung ano ang naging dahilan ng pagtutok ng dalawang kolokoy na lespu sa mag-amang biktima, abangan.
Panoorin ang advance screening ng “Road rage†mamayang alas-8:00 ng gabi sa bitagtheoriginal.com.