^

Punto Mo

‘Jao Builders’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NGAYONG tag-araw, mas maraming tao ang nasa labas. Mabenta ang mga alok na open house at tripping ng mga real estate at private builders sa mga gustong bumili ng bagong bahay.

Agresibo rin ang mga nasa industriya sa kanilang mga advertisement mapa-telebisyon, pahayagan at mga website.

Isa ang JAO Builders sa mga nagpapatalastas ng kanilang mga produkto at gawang-bahay sa website.

Apatnapung taon na ang mag-asawang Cesar at Fina sa Amerika. Umuwi lang sa Pilipinas para magpatayo ng kanilang retirement home.

Dahil sa ganda ng mga anunsyo ng JAO sa kanilang website, naengganyo ang mag-asawa na personal na pumunta sa tanggapan ng JAO.

Sa mabulaklak at matamis na pangako ng mga frontliner o mga ahente, agad nakumbinsing pumasok sa kontrata ang mag-asawa.

Tatlong milyong piso ang kabuuang halaga ng ipapatayong bahay ng mag-asawang balikbayan. Hiningan agad sila ng down payment.

Pero matapos magbayad ng trenta porsyento ng tatlong milyon, nadiskubre ng mag-asawa ang malaking aberya.

Dahil madalas na wala sa bansa at nag-aasikaso ng kanilang retirement sa Amerika at dahil sa tiwalang maipapatayo ang kanilang retirement home sa napagkasunduang panahon, hindi na nila nabantayan ang konstruksyon.

Huli na nang malaman ng mag-asawa na sa maling lote ng subdibisyon itinayo ng JAO Builders ang mga poste na nakatiwangwang pa rin hanggang ngayon.

Napag-alaman din ng BITAG na palpak magtrabaho, sandamakmak na ang reklamo at matagal ng markado sa Quezon City local government, Chamber of Real Estate and Builders Association, Inc. at maging sa Housing and Land Use Regulatory Board ang JAO Builders.

AGRESIBO

AMERIKA

APATNAPUNG

CHAMBER OF REAL ESTATE AND BUILDERS ASSOCIATION

DAHIL

FINA

HININGAN

HOUSING AND LAND USE REGULATORY BOARD

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with