Uok (91)
“HINDI ba nahihiya si Daddy na ikuwento sa’yo ang escapades niya sa mga babae?’’ tanong ni Gab.
“Nahihiya nga siya, sabi ko naman okey lang sa akin. Gusto kong makarinig ng mga kakaibang kuwento, he-he!’’
‘‘Ah kaya willing siya na magkuwento. Sinasakyan mo nang sinasakyan ang kanyang mga kuwento. At siguro rin sabik siyang may makakuwentuhan. Mula nang magkasakit kasi siya, parang nasabik siya sa makakausap o makakakuwentuhan. Hindi naman siya makapagkuwento sa akin dahil baka nahihiya.’’
‘‘Palagay ko nga rin, Gab. Aliw na aliw ako sa pagkukuwento niya. Kaya nga sabi ko sa kanya kanina, babalik ako rito para tapusin ang pagkukuwento niya sa mga naging kuladidang niya, he-he!’’
“Uy lagi ka na ngang narito, baka sabihin ng daddy mo e lagi kitang pinapupunta rito.’’
“Ah, hindi mabait si Daddy. Okey lang kahit saan ako magpunta basta walang trouble. Mabait yun.’’
‘‘Mabuti hindi na nag-asawa ang daddy mo mula nang mabiyudo.’’
“Hindi na. Ayon sa kanya, wala raw makakapalit si Mommy. At isa pa raw gusto na niya nang tahimik na buhay. Gusto lang niya maiayos ang buhay namin ng kapatid ko. Kaila-ngan daw bago siya mawala sa mundong ito e may anak siyang abogado at arkitekto.’’
“Talaga? Nakahahanga ang dad mo. Sana ang dad ko ganyan din na walang hilig sa tsik at maayos magplano.’’
“Pero ang dad ko hindi maÂrunong magkuwento na di katulad ng dad mo.’’
“Sabagay.’’
“At mabait ang dad mo. Kaya nga gusto ko laging pupunta rito.’’
Ngumiti si Gab.
Maya-maya may naalala.
“Bukas puwede mo akong samahan. Magre-research ako sa library. Kung puwede lang, Drew.’’
‘‘Ikaw pa. Sige. Anong oras?’’
“Sa umaga. Mahalaga lang itong ire-research ko.’’
“Sige. Saan tayo magkita.’’
Sinabi ni Gab.
Kinabukasan nagkita sila. Tinulungan ni Drew si Gab sa research.
Nang matapos, nagtungo sila sa isang mall sa North EDSA. Kumain at saka nagkuwentuhan sa isang park sa loob ng mall. Nakaupo sila sa bench doon.
“Drew, hindi ka nagsasa-wa sa pakikipag-usap sa akin?’’
“Hindi. Ba’t naman ako magsasawa?’’
Napabuntunghininga si Gab. Nagkatinginan sila.
(Itutuloy)
- Latest