SA PILIPINAS, itinuturing na underground industry ang pagtatanim at pagpapakalat ng “damo,†cannabis o marijuana.
Kaya naman, ang mga nasa likod ng patagong industriyang ito, organisado at may sinusunod na sistema.
May mga intel report na kinakailangan pang makumpirma na ang mga nasa likod nito, sanay din sa mga ilegal na aktiÂbidades tulad ng sugal.
Sila ang may kumpiyansa at may kakayanan na pumasok sa ganitong industriya dahil may pera at koneksyon sila sa mga awtoridad sa lugar na kanilang pinagtataniman.
Binabayaran nila ang mga matataas na opisyal at mga residente sa rehiyon para mabigyan ng proteksyon ang kanilang negosyo.
Tatlong bagay ang isinasaalang-alang ng mga marijuana grower.
Ang geography o lokasyon, panahon ng pagtatanim at pag-aani at ang teknolohiya ng mga awtoridad.
Isinusulong ngayon ni Cong. Rodolfo Albano III ng Isabela at ng Medical Cannabis Research Center ang pagsasa-legal ng pagtatanim at paggamit ng “damo†sa bansa.
Hindi sang-ayon dito ang Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine Medical Association at si Senator Tito Sotto III.
Kasama ang PDEA at Criminal Investigation and Detection Group ng Region 1 na idokumento ng BITAG ang ginawang marijuana eradication sa 13-ektaryang plantasyon ng cannabis sa mga bulubundukin ng Benguet, Ilocos Sur at La Union.
Panoorin ang advance screening ng “Damo†mamayang alas 8:00 ng gabi. Log on, bitagtheorioginal.com.