EDITORYAL - Batik na naman sa PNP
HINDI na nakapagtataka kung bakit hindi maÂlutas-lutas ang problema sa illegal drugs sa bansang ito. May mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na naliligaw ng landas. At hindi ito basta-basta problema sapagkat may kinalaman sa illegal na droga ang kinasasangkutan ng mga naarestong opisyal at agents ng Criminal Investigation and DeÂtection Group (CIDG) sa Pampanga kahapon. Ang mga naaresto ay tinaguriang “agaw batoâ€. Kung mayroong grupo na “agaw armasâ€, “agaw kotseâ€, kakaiba ang “agaw bato†sapagkat shabu ang kanilang inaagaw sa mga Chinese drug traffickers na kanilang naaaresto. Kapag naagaw ang “bato†o shabu, sila na ang magbebenta. Ganito ang trabaho ng mga miyembro ng CIDG na ang tungkulin ay protektahan ang mamamayan. Kabaliktaran ang kanilang ginawa sapagkat sila mismo ang nagpapahamak sa mamamayan dahil sa pagbebenta ng bawal na droga.
Kinilala ni CIDG Director Chief Supt. Benjamin Magalong ang inarestong opisyal na si Chief Insp. Bienvenido Reydado, hepe ng CIDG Pampanga. Si Reydado ay miyembro ng Philippine National Police Academy Class 1999. Nakilala ang mga agents na sina Adriano Laureta alyas Ambo, Arnold Sanggalan alyas Arnold, Eric Reydado alyas Eric, Pedrito Tadeo alyas Pepot, Adriano Laureta alyas Andy at alyas Eric at Edwardson Sisracon. Sinibak din ang hepe ng CIDG Region 3 na si Chief Supt. Victor Valencia dahil sa command responsibility.
Ayon kay Magalong, ang modus nina Reydado ay huhulihin ang mga big time drug dealer at saka dadalhin sa safehouse. Kukunin ang mga baril, pera at shabu. Pagkatapos ng negosasyon ay palalayain ang mga ito pagkatapos maglagay. Palilitawin umano na nagsagawa sila ng operasyon pero negatibo ang resulta. Ang nakuhang mga droga ay ibebenta naman ng mga ito. Nakasamsam din ng mga baril at bala sa ginawang raid.
Panibagong batik na naman sa PNP ang pangyayaring ito. Hindi pa nakababangon ang PNP sa isyu ng pagtorture at kung anu-ano pang kontrobersiya ay meron na namang panibagong dungis. Ang isang maipupuri, hindi kinonsente ng CIDG chief ang kanyang mga tauhang sangkot sa illegal na gawain. Agad nilang inaresto.
Naniniwala kami na mayroon pang mga “bugok na itlog†sa PNP na dapat basagin. Ubusin ang mga ito para makaahon ang organisasyon sa pagkalugmok.
- Latest