PINAPAWISAN ang manika na inimbento ng mga scientist ng Institute of Textiles and Clothing ng Hong Kong Polytechnic University. Pinapawisan ang naturang mannequin kapag naiinitan ito sa suot nitong damit, ayon sa isa sa mga lumikha nito na si Jintu fan. Idinesenyo raw nila ang mannequin para matulungan ang mga clothes designer na makalikha ng mga mas komportableng damit. Ayon kay Fan, ang loob ng manika ay mayroong mga tubo na nagÂlalaman ng pinainit na tubig. Meron itong body temperature na 37 degrees Celsius, tatlong patong na balat, at de-motor na katawan. Maaaring palitan ang balat ng manika para hanapan ng damit na aangkop kapag pinapawisan ito. Ang tubig ay unang pumapasok sa top layer ng balat. Water-resistant naman ang balat sa pinaka-ilalim. Kinokontrol naman ng panggitnang layer ng balat ang proseso ng pagpapawis sa pamamagitan ng pagpapadaloy ng tubig na nasa vapor form na o hamog.
• • • • • •
Natuklasan umano ng mga scientist ng Agricultural Research Service sa Hawaii ng U.S. Department of Agriculture na nakakapatay ng suso at iba pang mga peste sa halaman o pananim ang kape. Sinasabi nila na sapat na ang isang tasa ng kape para makapatay ng mga snail, slugs at iba pang pumepeste sa mga pananim ng mga magsasaka. Nagsimula lang umano ang pag-aaral nila sa paggamit ng caffeine spray laban sa mga palaka nang mapansin nilang namamatay din sa pinapaulan nilang kape ang mga suso.
• • • • • •
Para naman sa mga researcher ng Department of Agricul-ture sa Oxford, Mississippi (U.S.), nakakapagpababa ng cholesterol level ng katawan ng tao ang mga ubas at blueberries (prutas na inilalahok sa jam, jellies at cake). Dahil daw ito sa isang compound sa mga prutas na ito na tinatawag na Pterostilbene. Nakakatulong din ang compound na ito sa pagkontrol sa blood sugar at pagsugpo sa sakit na diabetes.