Kung may minamahal kang dalawang tao at nalilito ka kung sino ang pipiliin, ‘yung pangalawa mong minahal ang piliin. Kasi kung totoong wagas ang pag-ibig mo sa una, hindi ka na magkakagusto sa pangalawa. (mula kay Johnny Depp)
Huwag kang maniwala sa kasabihang: Kung talagang mahal mo, pakawalan mo! Anong katangahan ‘yan! Mahal mo na nga eh….bakit mo pakakawalan? (mula kay Bob Ong)
Bakit kita iiyakan…aber, kaya naman kitang palitan. (mula sa mga pinagtaksilan)
Ang February daw ay buwan ng mga nagmamahalan. So, kaming mga single, diretso kaagad sa March, ganon? (mula sa mataray na walang syota)
Hindi porke’t single kami, wala nang pag-asang may dumating na magmamahal sa amin. Hindi n’yo lang alam…hindi pa lang natatapos ni God na sulatin ang aming love story. Hintay, hintay lang…darating din siya sa “right timeâ€. (mula sa single na laging nagnonobena kay St. Jude tuwing Huwebes)
Wish ng mga bitter noong Valentine’s Day:
Sa lahat ng nakatanggap ng flowers, malalanta din ‘yan.
Sa lahat ng nakatanggap ng chocolates, good luck sa diabetes.
Sa lahat ng nakatanggap ng love letter, huwag ka munang kiligin, copy-paste lang ‘yan.
Sa lahat ng nakatanggap ng stuff toys, bagay ‘yan sa iyo. Karayom lang ang kulang, puwede ka nang mangkulam.
Sa lahat ng may ka-SOGO, mabutas sana ang condom ninyo.
Wala kang ka-date sa Valentine’s Day? Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahajahahahahahahahahahaha. Ako rin.
(Mula sa iba’t ibang blog site, kaya hindi na ma-trace kung sino ang original author.)