TATLONG araw din sa ospital si Basil. Nang makauwi sa bahay ay pinaalalahanan ni Gab na kung may nararamÂdamang masama sa katawan ay huwag itatago. Sabihin kaagad sa kanya para madala agad sa ospital. Huwag nang mag-atubili. Iyon din ang sinabi ng doctor. Ang nagka-stroke na ay puwedeng ma-stroke muli.
“Lagi akong nagwo-worry sa iyo Daddy kapag umaalis ako. Mabuti yata ay kumuha na tayo ng maid para may kasama ka habang nasa school ako.’’
“Huwag na, Gab. Okey na naman ako. Kapag may naramdaman ako, sasabihin ko agad sa’yo. Ayaw kong may maid tayo.’’
“Nag-aalala kasi ako palagi.’’
“Huwag kang mag-worry at wala nang mangyayari sa akin.’’
Pagkatapos ay binaÂlingan ni Basil si Drew na laging naroon mula nang dalhin sa ospital.
“Salamat Drew. Hindi ba nagtataka sa inyo at lagi kang wala. Alam bang narito ka?â€
“Opo. Sinabi ko kay Daddy.’’
“Mabait siguro ang Daddy mo. Hindi ko siguro katulad.â€
“Opo. Mabait si Daddy. Biyudo rin po siya.’’
“Ganun ba?â€
Binalingan ni Gab ang ama.
“Daddy pahinga ka na muna. Paiinumin kita ng gamot.’’
“Sige Gab.’’
Makaraang painumin ng gamot ay natulog na si Basil.
Nagkuwentuhan naman sina Drew at Gab sa sala.
“Ituloy mo na ang kuwento tungkol sa step mom mo. Yung si Baby.’’
“Nasaan na nga ako, Drew. Ano yung huli kong kinuwento ukol sa babaing iyon?’’
“Tinakot ka. Sinabihang huwag magsusumbong sa Daddy mo.’’
“Oo nga. Sabi sa akin, masama ang mangyayari kapag nalaman ni Daddy ang ginagawa niya. Dahil sa takot, sinunod ko siya. Pero gusto ko nang lumayas para makatakas. Kaya lang natatkot ako. Saan ako pupunta.
“Anong ginawa mo?â€
“Tiniis ko. Hinintay ko ang pagbabakasyon ni Daddy. Kaya lang nang dumating si Daddy, hindi ko rin nasabi.’’
“Bakit?â€
Napaiyak si Gab.
(Itutuloy)