^

Punto Mo

Ang Kotseng Walang Makina

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG lalaking bagong recruit sa army ang laging pinag-iinitan ng kanyang Kapitan dahil sa sobra nitong pagiging relihiyoso. Ang Kapitan ay walang relihiyon pero ayaw naman tawagin siyang atheist. Kabaklaan o tanda ng pagiging  mahinang lalaki ang pagiging relihiyoso, ayon sa Kapitan. Sariling lakas lang at talino ang tanging makapagliligtas sa kagaya nilang mga sundalo at hindi ang sinasabi nitong Diyos. Kaya upang maipamukha ng Kapitan sa bagong recruit na lalaki na walang Diyos, sa harapan ng mga kapwa niya sundalo, may iniutos siya dito.

“Castillo, iparada mo sa harap ng opisina ko ang kotseng itim na naroon sa ilalim ng puno. Heto ang susi!”

“Sir, hindi ako marunong magmaneho.”

“E, di humingi ka ng tulong sa Diyos mo!”

Kinuha ng sundalo ang susi.  Lahat ng kasamahan ay hindi humihinga habang pinapanood ang gagawin nitong pagmamaneho. Sa loob ng limang minuto ay napaandar ng sundalo ang kotse at maayos na naiparada sa harapan ng opisina nito.

Walang imik na ibinalik ng lalaki ang susi. Ang Kapitan ay namumutla sa pagkabigla. Ilang minuto siyang natahimik at saka nagsalita.

“Totoong may Diyos! Tinulungan ka niya” napaluha ang Kapitan habang sinasabi niya ito sa batang sundalo.  Pumunta siya sa harapan ng kotse, binuksan ang hood at ipinakita na wala itong makina.

Iba na ang eksena nang mga sumunod na araw. Si Kapitan pa ang nagyayaya sa buong batalyon tuwing may Bible study sa loob ng kampo at nagpiprisintang magsakristan tuwing Sunday mass.

vuukle comment

ANG KAPITAN

DIYOS

HETO

ILANG

KABAKLAAN

KAPITAN

KAYA

KINUHA

SI KAPITAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with