^

Punto Mo

Uok (30)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINUHA ni Drew ang kuwintas sa pinagtaguan. Nakalagay iyon sa pinaka-ilalim ng kanyang cabinet. Hindi agad makikita kung sinuman ang magha-halungkat doon.

Pinagmasdan niya ang kuwintas. Mamahalin pala ayon sa napagtanungang alahero ni Tiyo Iluminado. Maisasangla hanggang P5,000. Kung ganoon kalaki maisasangla, baka mga P7,000 hanggang P8,000 ang halaga. Saudi gold daw kasi. Sa lahat daw ng gold ang sa Saudi ang maganda. Manilaw-nilaw ang pagkaginto at sa unang tingin pa lang ay halatang ginto na. Hindi maipagkakama-ling peke.

Naisip ni Drew na walang ibang nagmamay-ari ng kuwintas kundi ang babaing naliligo sa batalan. Wala namang ibang babaing naliligo roon kundi siya.

Paano kaya nalaglag sa babae ang kuwintas? Suot kaya habang naliligo?

Binalikan ni Drew ang mga nangyari habang nakasilip siya at pinanonood ang babae sa paliligo. Wala siyang matandaan na may nahulog sa babae. At saka wala siyang suot na kuwintas. Kung may suot na kuwintas, dapat sana nakita niya dahil madaling mapansin ang kuwintas na ginto.

Nag-isip pa siya.

Hanggang sa maalala ni Drew ang tagpong may nakitang alupihan ang babae habang naliligo. Nakita niya ang isang matandang babae na napasugod at pinaghahampas ng walis ang alupihan.

Hindi kaya ng panahong iyon nahulog ang kuwintas? Pero wala namang suot ang babae, sa pagkatanda niya. Hindi kaya ipinatong sa ibabaw ng tuwalya at nang hablutin ay nahulog ang kuwintas? Posible.

Nag-iisip si Drew kung paano makikita ang babae dito sa Metro Manila. Hindi man lang kasi nalaman ni Tiyo Iluminado kung ano ang tunay na pangalan ni Uok. Basta ang sabi ay guwapo at kamukha ng artista. Pero wala namang sinabi kung saan nakatira.

Ibinalik ni Drew ang kuwintas.

Umaasa siya na isang araw, makikita muli ang anak ni Uok.

FOURTH year na si Drew nang pasukang iyon. Sandali na lang at ga-graduate na siya ng Political Science. Pagkatapos ng polisci ay magpapatuloy siya ng Law.

Pinagbuti niya ang pag-aaral.

Noon pa, pangarap ng daddy na magkaroon ng anak na abogado. Sisikapin niya na makatapos ng pag-aaral.

(Itutuloy)

 

BABAE

BINALIKAN

DREW

KUWINTAS

METRO MANILA

PERO

POLITICAL SCIENCE

TIYO ILUMINADO

UOK

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with