^

Punto Mo

Pagdidisiplina sa anak

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

ISA sa pinag-aaralan ko ngayong taon ay ang tamang pagdidisiplina kay Gummy. Dahil unang anak ko siya at nais kong disiplinahin, pinag-aaralan ko na ang mga paraan na dapat iaplay. Pinalad naman akong mapagkalooban ng aklat nina Vic at Avelyn Garcia --- Unleash the Highest Potential of Your Child. 

Kinaaliwan kong bahagi ng aklat ay ang istratehiya ng mga bata para makuha ang nais nila. Kapag may gustong makuha ang bata, heto ang mga ginagawa niya: Una, pa-cute. Sunod ay palambing. Kapag hindi pa rin ibinigay, tampo na. Kapag wa-epek pa rin, iyak na. Tapos lupasay. Minsan may kasunod pang ubu-ubuhan at suka.

Bukod sa child strategies na nabanggit, siyempre tinumbasan naman ito nina Mr. Mrs. Garcia ng walong istratehiyang dapat gawin ng mga magulang:

1. Hihintayin kita. Ginagamit ang mga katagang ito kapag umiiyak at naglulupasay na ang bata sa pag-aakalang patatahanin siya at ibibigay ang kanyang hinihingi. Sasabihin ito ng magulang para ipaalam sa anak na hindi umuubra ang kanyang akting at hihintayin mo na lang siya matapos sa pag-iinarte at saka magmo-move on na kayo.

2. Dedma. Isa pang dapat gawin ng magulang kapag gumagawa ng eksena ang anak ay hindi ito pansinin. Personal kong ginagawa ito kay Gummy minsan. Dahil napupuna ng anak ko na hindi gumagana sa akin ang pag-iiyak niya upang makuha ang gusto. Hayaan siyang maglupasay hanggang mapagod. Titigil din iyan.

3. French fries. Sa pamamaraang ito hindi mo kailangang bumili ng french fries talaga. Ang konsepto ay bumili ka ng pagkain na pinaka-gusto niya pero imbis na sa kanya mo ibigay ay ikaw o kayo ng asawa mo ang kakain. Tingnan natin kung hindi tumigil ang bata.

4. No pride. Sa puntong ito ay tumahan na ang bata at hindi ito dahil ibinigay mo ang gusto niya. Tandaan, huwag suhulan ang bata para lang tumahan. Kapag nahimasmasan na ang bata, lalapit iyan sa iyo. Pero bago mag-sorry ay iiyak pa ulit. Huwag ulit pansinin at sabihing hihintayin mong matapos siya at saka kayo mag-usap.

5. Mag-sorry ang susunod niyang hakbang. Huwag pairalin ang pride at magmalaki sa anak. Bagkus ay ipakita sa kaniya na kapag nag-sorry siya ay may makikinig at tatanggap nito.

6. Why? Ito ang susunod na dapat mong maipalabas sa anak matapos humingi ng tawad. Para maging malinaw sa anak mo kung ano ang maling asal na ginawa niya.

7. Hug. Matapos ang pagso-sorry at paliwanagan, yakap na ang susunod na lulunas sa sitwasyon. Dito nila nararamdaman ang seguridad na sila ay minamahal. Kahit pa pinagalitan sila, alam nilang dahil lang ito sa pagmamahal mo sa kanila. 

8. Explain. Pinaka-mahalagang dapat gawin ng magulang ay ang ipaliwanag sa anak kung ano ang mali sa kanyang ginawa at kung bakit hindi niya ito dapat gawin.

ANAK

AVELYN GARCIA

BATA

DAHIL

HUWAG

KAPAG

MRS. GARCIA

UNLEASH THE HIGHEST POTENTIAL OF YOUR CHILD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with