Video cam, ninakaw nang malaking alimango sa FIJI!

HINDI makapaniwala si Diederick Ryan na ang ginagamit      niyang video camera para kunan ang magagandang tanawin ng isang diving resort sa Fiji ay mauuwi sa kagila-gilalas na na pangyayari. Ninakaw ito nang isang malaking alimango at dinal sa lungga nito sa ilalim ng lupa. Kung hindi agad nahukay ni Ryan ang pinagdal­hang lungga, hindi na niya makukuha ang bagong video camera. Umano’y malalim ang lungga ng alimango. Ang video cam ay may new GoPro app and wifi, ayon kay Ryan.

Ayon pa kay Ryan, sadya niyang ibinaba sa buhanginan ang video camera habang kumukuha ito ng footage. Unang nakunan ang magandang tanawin ng diving resort. Kasunod ay ang mga gusali na nasa background ng resort.

Hanggang sa biglang mag-appear sa frame ang malaking alimango na kuhang-kuha ang paglabas sa lungga nito, Nakunan ang paglapit ng alimango. Nakunan din ang sitwasyon na parang inieksamen ng alimango ang video camera.

Hanggang sa pati ang pagdampot ng alimango sa camera ay nakunan din at gayundin ang pagdadala nito sa lungga. Hanggang sa mawala na sa frame ang alimango.

Nagmamadaling hinukay ni Ryan ang lungga at nakuha ang video camera bago pa ito nadala ng alimango sa mas malalim pang bahagi ng lungga.

Gayunmam, natutuwa si Ryan sa karanasang iyon sa Fiji. Hindi raw niya malilimutan ang malaking alimango na nagnakaw ng kanyang video cam. Uulit-ulitin umano niyang panoorin ang footages. —www.unexplained-mysteries.com--

 

Show comments