‘Sasakyang yelo’
KUNG ang sasakyan mo ay gawa sa yelo, hindi na kailangan ang aircon dahil malamig na malamig na ito. Baka sa sobrang ginaw ay manigas ang drayber at pasahero.
Ganito ang ginawa ng isang sikat na kompanya sa Canada --- ang Canadian Tire makaraang makagawa ng isang sasakyan mula sa yelo. Halos buong katawan ng sasakyan ay nililok sa yelo. Balak ng Canadian Tire na makagawa ng world record sa sasakyang gawa sa yelo.
Ang unique na sasakyan ay ginawa ng Canadian Tire para ma-demonstrate kung paanong ang kanilang car battery ay gumagana kahit sa low temperature.
Ginamit ng ice sculptors ang chassis ng 2005 GMC Silverado. Ito ang kanilang napiling frame para masuportahan ang limang toneladang yelo na kailangan sa construction ng sasakyan. Ang ice sculpture company na Iceculture ang gumawa ng sasakyang yelo. Sabi ng presidente ng Iceculture ito raw ang pinaka-malaking challenges na kanilang ginawa. Pinaka-una raw sa ice industry.
Nang matapos ang sasakyang yelo, nakatakbo ito ng hanggang 1.6 km sa bilis na 20 kph. Umabot ng 44 na oras bago natunaw ang yelo.
Umaasa ang kompanya na mapapasama ang kanilang ginawa sa Guinness Book of Records bilang world’s first self-propelled ice vehicle. ---www.unexplained-mysteries.com---
- Latest