‘Snobbish cabbies’
HINIHIKAYAT ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang publiko na isumbong ang mga “isnabero†at “demonyong†drayber sa lansangan.
Bunsod ng mga report hinggil sa kagaspangan ng ugali ng ilang mga nagmamaneho, nagbukas ang ahensya ng hotline na pagtatawagan ng publiko.
Hindi na bago ang ganito. Matagal na itong inanunsyo subalit, lulubog-lilitaw ang pagpapatupad nito.
Ibig sabihin, nakadepende lang ang istriktong pagpapatupad sa panahon at okasyon.
Sa buong taon, hindi nawawala ang mga “isnaberong†drayber partikular sa mga taxi.
Subalit, tuwing “ber†months lang ito natututukan at napagtutuunan ng pansin. Pagkalipas ng kapaskuhan, hindi na naman ito mararamdaman ng taumbayan.
Kasabay ng muling pag-anunsyo ng “Oplan Isnabero,†pinababantayan din ng mga awtoridad ang mga barumbado, walang disiplinang magmaneho, walang pakialam at “demonyong†drayber ng mga bus, dyip at FX.
Tiniyak ni LTFRB Chairman Winston Ginez na pagsasabihan ang mga operator ng bus na masusumpungang bastos ang mga empleyado.
Pabor ang publiko rito. Pero gawin sanang buong taon, araw-araw at anumang oras. Ang pagresponde ng mga awtoridad, dapat akma rin sa oras ng sumbong ng nagrereklamo sa hotline.
Kung magiging maayos at tuloy-tuloy ang ganitong implementasyon, walang dudang maibabalik muli ng ahensya ang nawalang tiwala at kumpyansa ng publiko lalo na kung ang mga inirereklamo ay nakikita nilang napapatawan ng parusa.
Hindi ‘yung dakdak lang nang dakdak sa harap ng telebisyon at mikropono pero wala namang nagyayaring aksyon sa mga reklamo.
- Latest