Nakaligtas sa terrorist attack pero hindi sa plane crash

NANG banggain ng eroplanong kinumander ng mga terorista ang World Trade Center noong Set. 11, 2001, himalang nakaligtas si Hilda Yolanda Mayol, 26. Nagtatrabaho si Mayol sa restaurant na nasa ground floor ng WTC nang mangyari ang malagim na pagsalakay.

Subalit dalawang buwan lamang ang suwerte ni Mayol sapagkat noong Nobyembre 12, 2001, kasama siya sa 260 pasahero ng American Airlines Flight 589 na namatay makarang mag-crash sa New York.

Patungo sa Dominican Republic si Mayol para sa isang bakasyon. Nakaligtas naman ang kanyang ina at dalawang anak sapagkat una ng lumipad ang mga ito. –www.oddee.com--

 

 

Show comments