Lalaki, naimpeksiyon ang ari nang magpa-implant surgery, tuluyang pinutol
MAY erectile dysfunction si Enrique Milla, 65, isang Peruvian na citizen na ng America. Kaya isang paraan ang kanyang naisip para malunasan ang karamdaman. Nagpa-implant surgery siya. Kapag naoperahan siya baka matapos na ang problema niya.
Noong una ay ayaw pumayag ng mga doktor na isailalim si Milla sa operasyon sapagkat mayrooon itong diabetes at high blood pressure. Baka magkaroon ng infection. Pero mapilit si Milla. Isinagawa rin ang operasyon.
Dalawang linggo makaraan ang operasyon, nagkaroon ng infection ang ari. Hanggang sa magkaroon ng gangrene. Ayon sa doktor na tumingin kay Milla, kailangang putulin ang ari para masagip ang buhay nito. Agad isinagawa ang amputation sa ari.
Nagsampa ng kaso si Milla sa mga doktor na nagsagawa ng implant.
Pero sabi ng mga doktor na nagsagawa ng implant si Milla ang dapat sisihin. Hindi raw ito nag-ingat pagkaraan ng procedure. Nadebelop daw ang infection nang makipagtalik si Milla makaraan ang operasyon. Hindi raw sumunod si Milla sa kanilang payo. ---www.oddee.com---
- Latest