ISANG grupo ng mga beteranong mamamahayag ang muling nagbigay pugay sa mga ulirang indibidwal at mga opisyal ng gobyerno na nagpakita ng kahalagahan sa ating bayan sa ika-27 Bulong Pulungan Christmas party na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza nung ika-3 ng Disyembre, 2013.
Si Pangulong Benigno Simeon Aquino III na patuloy na sumusuporta sa taunang Christmas party ng grupong ito ay pinarangalang “Man of Steel†samantalang ang PAGCOR Chairman at CEO Cristino L. Naguiat, Jr. ay kinilalang “Exemplar Award for Corporate Social Responsibility†sa magkasunod na dalawang taon.
Ayon kay Deedee Siytangco, isa sa mga nagtatag ng Bulong Pulungan media group na ang ibinigay nilang parangal na “Man of Steel†award sa pangulo ay dahil sa kahanga-hangang katangian nito bilang “nakapokus, matatag ngunit mahabaging pinunoâ€.
Partikular niyang kinilala ang pangulo dahil sa pagbibigay nito ng pag-asa sa mga Pilipino sa kamakailang mga kalamidad na tumama sa Bohol, Tacloban, Samar, Leyte at sa rehiyon ng Visayas. Samantalang ginawaran naman si Chairman Naguiat sa kanyang patuloy na pagsuporta nito sa gawin ng PAGCOR upang mas maging epektibo at responsableng korporasyon.
“Nakita namin kay Chairman Naguiat ang pagiging matatag. Nung nakaraang taon sa ilalim ng kanyang pamumuno ay nagbigay ang ahensya ng 1 bilyong piso para sa pagpapagawa ng libu-libong mga silid-aralan. Ngayong taon naman ay naglaan muli ito ng 2 bilyon. Lagi tayong nagrereklamo tungkol sa kakulangan ng mga classroom kung saan ang mga mag-aaral ay nagkaklase sa ilalim ng puno. Sa tingin ko itong proyektong ito ay malaki ang maitutulong sa mga pampublikong paaralan at mga estudyanteâ€, wika ni Siytangco.
Mahigit 538 na mga silid-aralan na ang nabuo ng PAGCOR sa 42 lugar at may kabuuang 50 mga kwarto para sa Gawad Kalinga (GK) Sibol Kindergarten sa buong bansa.
Katuwang ng ahensya ang Department of Education (DepEd) at ang GK Foundation sa unang phase nito. Nung Abril 2013, kaugnay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay nagsagawa sila ng mga silid-aralan na hindi bababa sa 2,000 sa buong bansa mula sa dagdag na 2 bilyong pisong pondo na ibinigay nito. Kinilala rin ni Siytangco si Naguiat sa mabuÂting gawain nito na i-recycle ang mga lumang patungan ng slot machine na ginawang school desk.
“Ang dating administrasyon ay hindi ito nagawa. Kung titignan napakaraming mga lamesa ang nagawa mula sa mga patapong bagay na ito. Ito ay napakamalikhainâ€, dagdag pa ni Siytangco.
Sa ilalim ng pamumuno ni Naguiat ang ahensya ay nakapagbuo na ng mahigit 1,000 two- and three-seater school desks mula sa mga patungan ng slot machine.
Ito ay ipinamahagi sa labing siyam (19) na mga pampublikong elementaryang paaralan at day care centers sa Metro Manila at sa mga kalapit na probinsya.
Ayon pa kay Siytangco sinisikap ni Naguiat ang lahat ng kanyang makakaya para sa prinsipyong “matuwid na daanâ€.
“Saludo kami sa kanya. Lubos ang kapangyarihang meron ang PAGCOR subalit ito ay puno rin ng integridad at kahabagan,†sabi pa ni Siytangco.
Samantalang ipinahayag ni Naguiat ang kanyang taos pusong pasasalamat sa Bulong Pulungan media group sa pagkilala nito sa pagsisikap ng PAGCOR sa pagsasagawa ng mga ‘high-impact project’ para sa kapaÂkinabangan ng lahat ng sektor sa lipunan lalung-lalo na sa mga mahihirap.
“Patuloy ang pagtulong ng PAGCOR hindi lamang sa pagbibigay ng kita sa ating pambansang pamahalaan kundi sa pagbibigay rin ng lakas at inspirasyon sa mga Pilipino na harapin at bumangon sa lahat ng pagsubok na hindi alintana ang anumang hirap. Meron palaging isang pangako na magandang kinabukasan kaya dapat nating gawin ang lahat ng ating magagawa sa pagbibigay ng tulong sa mga taong lubos na nangangailangan. Ito ang dahilan kung bakit ginawa ng PAGCOR ang mga ganitong proyekto na merong pangmatagalang epekto sa lipunan,†paliwanag ni Naguiat.
Bukod sa suporta ng PAGCOR sa edukasyon ay binanggit din ng Bulong Pulungan media group ang pagsisikap ng ahensya sa pagbibigay ng ‘relief efforts’ sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda.
Kamakailan lamang ay nagsagawa ang PAGCOR ng ‘joint relief operation’ kasama ang Solaire Resort and Casino at Resorts World Manila na kung saan nakinabang ang libu-libong mga apektadong pamilya sa Visayas. Bukod sa pangulong Aquino at kay Chairman Naguiat ay binigyan din ng parangal ng Bulong Pulungan sina Gawad Kalinga(GK) Founder Antonio Meloto bilang Exemplar Awards; GK volunteer Dr. Jerome Rodriguez-Paler (na aktibo sa pagbibigay tulong sa GK’s relief operation sa mga nasalantang lugar); Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares; Department of Science and Technology (DOST) Secretary Mario Montejo; Justice Secretary Leila de Lima; Government Service Insurance System (GSIS) President and General Manager Robert Vergara; Ombudsman Conchita Carpio Morales and Commission on Audit Chairperson Grace Pulido-Tan.
(KINALAP NI CARLA CALWIT) Sa gustong dumulog para sa inyong problemang legal, ang aming numero 09213784392/09213263166/ 09198972854. Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038. Maari rin kayong pumunta sa 5th floor CityState Centre bldg. 709 Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami mula Lunes-Biyernes 9:00 AM-5PM.