^

Punto Mo

Russian artist, ipinako ang yagbols sa red square cobblestone, bilang protesta

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SI Pyotr Pavlensky, 29, ay isang Russian performance artist. Kilala siya sa dramatic na paraan ng pagpoprotesta sa gobyerno.

Kung anu-ano na ang ginawa niyang paraan para magprotesta at kabilang dito ang pagtahi sa kanyang mga labi. Ginawa iyon ni Pavlensky bilang protesta sa pagbibilanggo sa dalawang babaing miyembro ng Pussy Riot punk band. Nagsagawa ng protesta ang dalawang babae laban sa Kremlin sa loob mismo ng Moscow cathedral noong 2011.

Inaresto na rin siya nang ipulupot sa hubad na katawan ang barbed wire habang nasa harap ng Saint Petersburg government building.  Pero ang matinding ginawa ni Pavlensky ay nang ipako niya ang mga yagbols sa mga nakalatag na bato o bricks sa Red Square sa labas ng Lenin’s Mausoleum sa Moscow. Ginawa ni Pavlensky ang pagpako sa kanyang yagbols dahil sa ginagawang paghuli ng Kremlin sa mga nagsasagawa ng demonstrations at mga rally. 

Pero hinuli rin si Pav­lensky kahit ipinako ang yagbols. Dinala siya sa ospital para magamot ang ipinakong yagbols. Pagkaraang magamot dinala siya sa police stations.—www.oddee.com—

DINALA

GINAWA

INARESTO

PAVLENSKY

PERO

PUSSY RIOT

PYOTR PAVLENSKY

RED SQUARE

SAINT PETERSBURG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with