Mga Lalaking ‘Honesto’ sa Pag-ibig

Sa pamamagitan ng blood type at zodiac sign, malalaman natin kung sinong lalaki ang tapat magmahal—meaning, maliit ang tsansa na mangaliwa. Narito ang mga lalaking “HONESTO” sa pag-ibig:

Kabilang sa Aries zodiac sign at may AB- blood type: Sincere, practical at loyal sa pag-ibig dahil ayaw niya ng relasyong kumplikado at magulo.

Kabilang sa Cancer zodiac sign at may A-blood type: Pasensiyoso, conservative or  old-fashioned na lalaki.

Kabilang sa Taurus zodiac sign at A-blood type: Ino­obserbahan muna ang babaeng liligawan. Hindi agad sumusugod sa panliligaw upang matiyak kung talagang type niya ang babae. Kung “sure” na sa kanyang feeling, wala nang atrasan at magiging tapat habang buhay.

Kabilang sa Leo zodiac sign at O-blood type: Napaka-responsable hindi lang bilang empleyado, kundi bilang lover. Kaya makakaseguro ang kanyang misis na siya lang ang babae habang buhay.

Show comments