BINUBUHAY na naman ang Reserved Officers Training Corps (ROTC). Ngayong linggong ito ay tatalakayin ng House committee on national defense ang proposal para maibalik at gawing mandatory ang ROTC. Ang pagbuhay sa ROTC ay muling umusbong dahil sa nakikitang tensions sa regional territorial desputes sa West Philippine Sea kung saan inaangkin ito ng China. Kung magiging mandatory ang ROTC sa college students maihahanda ang mga ito bilang officers na maaaring tawagin agad-agad para maipagtanggol ang bansa sa sinumang mananakop. Nakita rin ang kahalagahan ng ROTC makaraang manalasa ang Super Typhoon Yolanda sa Visayas Region kung saan maÂraming namatay at nasirang ari-arian. Makatutulong umano ang ROTC cadets sa pagliligtas at pagdadala ng relief goods sa mga biktima ng kalamidad.
Binuwag ang ROTC noong 2001 makaraang patayin ang ROTC cadet officer na si Mark Welson Chua ng UST. Pawang mga kasamahan ni Chua at ilang army officer ang nasa likod ng pagpatay. Ibinulgar ni Chua ang corruption sa UST-ROTC. Pinatay si Chua at saka binalot ng carpet at itinapon sa Pasig River. Nahuli ang mga pumatay at nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo. Ang kaso ang naging dahilan para tuluyang buwagin ang ROTC.
Hindi na dapat pang buhayin o ibalik ang ROTC sapagkat wala namang natututuhan ang mga estudÂyante rito. Isang malaking kalokohan ang pagti-training (kuno) kung Linggo sapagkat wala namang nagagawa sa estudyante. Attendance lamang ang hinahabol para makabuo ng apat na semestreng training kuno at makasama sa graduation. Maraming ROTC officers ang nasusuhulan para huwag nang dumalo sa training kuno ang estudyante. Basta may pera, makakatapos ng ROTC, kahit walang alam.
Malaking kalokohan at pagsasayang ng oras kung ibabalik ang ROTC sa kolehiyo.
Mas maganda kung ang Armed Forces of the Philippines at PNP ay puspusang mag-recruit ng mga kabataang nais magsundalo at ito ang sanayin. Huwag maging mahigpit sa height requirements at kung anu-ano pang kaekekan. Tawagin lahat ang mga nais magsundalo lalo na ang mga tambay o walang trabaho.