^

Punto Mo

Isipin mo…

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Ang mga kapintasang napapansin mo sa ibang tao ay actually­, mga sarili mong kapintasan.

Kausapin mo ang iyong sarili na parang  kinakausap mo ang isang taong mahal na mahal mo. Kapag nagtagal, madedebelop sa iyo ang pagmamahal mo sa iyong sarili.

Ang pag-inom ng green tea ay nakakabawas ng galit at nakakapagpasigla ng mood.

Hindi sa lahat ng oras ay responsable ka sa iyong nara­ramdaman—galit, lungkot, saya, etc. Pero ikaw lang ang responsable sa lahat ng iyong ginagawa.

Mabuti na ang lumangoy nang nag-iisa pero nasa tamang direksiyon kaysa naka-speed boat ka, pero mali naman ang direksiyon.

Huwag mong pabayaang kontrolin ng tatlong bagay ang iyong buhay: tao, pera at mapait na kahapon.

Upang magtagumpay, dapat ay mas mataas ang level ng iyong kagustuhang magtagumpay kaysa level ng takot na mabigo.—sinabi ni Bill Cosby

Huwag kang pumayag na i-photoshop ang iyong litrato. Para mo na rin inamin na mababa ang pagtingin mo sa iyong sarili.

Umamin na may ginawa kang katangahan. Uy, palatandaan iyon ng “maturity”.

Mas mainam na maaga pa ay sanayin na ang bata na magtagumpay sa kanilang mga ginagawa. Ang resulta, mahirap nang buwagin ang kanilang self-confidence paglaki nila.

Huwag hayaang mawala ang mga taong laging nagsasabi sa iyo ng katotohanan kahit alam nilang magagalit ka sa kanila.

BILL COSBY

HUWAG

IYONG

KAPAG

KAUSAPIN

PERO

UMAMIN

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with