L IGTAS na sa kamaÂtayan si PO1. TuluÂyang naampat ang dugo dahil sa itinapal na kiÂnayod na balat ng Uloy.
“Ninong, ang husay pala ng Uloy. Wonder tree pala talaga ’yan. Iglap ay agad tumigil ang pagÂdurugo ni PO1.’’
“Wonder tree nga ang Uloy, Mulong. Napakahusay na punongkahoy.’’
Nang bigla ay may naÂrinig na naman silang mga putok.
“Mukhang namamaril na naman si Rey, Mulong, yumuko ka dali!â€
Napayuko sila habang nakakober sa maÂlaking puno ng Uloy.
“Wala yatang balak sumuko si Rey, Ninong. Patuloy na naÂmamaril.’’
“Dapat barilin na rin siya dahil delikado na. Dapat unahan na nila. Hindi na susuko si Rey. Desperado na talaga siya!â€
Hanggang sa makarinig sila ng ingay. May pinagkakaguluhan ang mga pulis.
Hanggang may suÂmigaw mula sa ilalim ng punong Uloy.
“May tama si SPO4! May tama si SPO4! PakiÂtulungan siya, please!’’
Agad na kumilos si Dick para matulungan ang pulis na biktima na naman ni Rey.
‘‘Tulungan natin si SPO4, Mulong. Mukhang nasapol din siya.’’
‘‘Hayop pala talaga si Rey. Uubusin yata ang mga pulis.’’
‘‘Madadala mo ba rito si SPO4, Mulong?’’
‘‘Susubukan ko Ninong. Hintayin mo ako rito.
Mabilis na nakalapit si Mulong sa kinaroroonan ni SPO4. May tama ito sa balikat. Dinala agad ni Mulong si SPO4 sa kinaÂroroonan ni Dick. Gaya ng ginawa nila kay PO1, kinayod uli ni Mulong ang balat ng Uloy. Nang makakayod ay agad inilagay sa sugat ni SPO4. Napasigaw sa sakit si SPO4. Mabilis na tinalian ni Dick ang sugat ni SPO4.
Hanggang sa maÂkaÂrinig sila ng mga putok ng baril.
Dalawang pulis ang umaasinta sa kinaroroonan ni Rey. Hanggang sa makita nila ang pagÂbagsak ni Rey mula sa itaas ng Uloy. Parang ibon na bumagsak ito sa mga nakakalat na bunga ng uloy.
‘‘Wala na ang rapistÂ, Ninong. NagÂbayad din siya,’’
“Oo nga.’’
“Palagay ko matatapos na ang problema. Makakahinga na tayo nang maÂÂluwag.
‘‘Sana nga, tapos na…â€
(Itutuloy)