Lalaki sa Germany, pinakasalan ang alagang pusa na may taning na ang buhay

MAY lalaking nag­pakasal sa kambing, aso, baka at nga­yon naman ay lalaking nagpakasal sa kanyang alagang pusa. Nangyari ang kasalan sa Germany.

Noong 2010, ipinasya ni Uwe Mitzscherlich, 39, isang German na pakasalan na ang kanyang alagang pusa na si Cecilia. Si Cecilia ay isang asthmatic na pusa. Minsan, sinabi ng veterinarian kay Mitzscherlich na hindi na magtatagal ang buhay ni Cecilia. Delikado raw kasi ang asthma nito.

Iyon ang naging dahilan para isaayos ni Mitzscherlich ang pagpapakasal sa alagang pusa. Bago ito mamatay ay kailangang kasal na sila.

Dahil ang pagpapakasal sa hayop ay hindi pinapayagan sa Germany, binayaran ni Mitzscherlich ang isang aktres para mag-officiate sa kasal. Binayaran niya si Christin-Maria Lohrai ng $395 para isagawa ang seremonya.

Tinanong ng aktres si Mitzscherlich kung tinatanggap nitong maging kabiyak si Cecilia. Sagot ni Mitzscherlich “I do” at nang tanungin kunwari ang pusang si Cecilia, ang aktres na ang nag-”meow”. Pagkatapos ay pinahayag ang dalawa na man and cat-wife.

 

Show comments