SA taniman ng Uloy nanggaling ang mga putok. Nagmamadali sina Dick at Mulong sa pagtungo roon.
“Binaril na yata si Rey, Mulong!â€
“Baka lumaban. May dala sigurong baril, Ninong.’’
“Palagay ko nga. May nakabukol sa bulsa niya. Talagang lalaban kung ganoon. Wanted pala sa rape ang taong yun.’’
“Hindi ako makapaniwala na rapist pala siya Ninong kasi’y wala sa itsura.’’
“Siguro’y lumakas ang loob mula nang magkaÂpera dahil sa naimbentong gamotÂ.’’
“Pero masama ang naÂidulot sa kanya dahil naging wanted, Ninong.’’
“Oo nga.’’
Nakarinig pa sila ng isang putok ng baril.
Nagmadali sila sa pagtungo sa taniman ng Uloy.
Nakita nila ang dalawang pulis na nakakubli sa puno ng Uloy at nakatingin sa isa pang punong Uloy.
Akma silang lalapit sa dalawang pulis pero sinigawan sila na huwag lumapit. Delikado. May baril ang wanted at nagpaputok na. Muntik na raw tamaan ang isang pulis.
Walang nagawa sina Dick at Mulong kundi ang magkubli sa malaking puno ng Uloy. Nagmatyag sila sa nangyayari. Hindi makalapit ang mga pulis sapagkat tinatarget sila ni Rey. Maganda ang kinalalagyan ni Rey sapagkat tanaw na tanaw ang sinumang lalapit. Kapag kumilos ang dalawang pulis, tiyak na aasintahin sila ni Rey.
Sumigaw ang isang pulis, “Sumuko ka na! Hindi ka makakatakas dahil paparaÂting na ang mga kasamahan namin.â€
Biglang lumitaw mula sa malagong puno si Rey at nagsalita, “ Hindi n’yo ako mahuhuli nang buhay! Uubusin ko muna kayo at magsama-sama na tayo!â€
Pagkasabi ay inasinta ang dalawang pulis. Pumutok nang pumutok.
Hanggang sa tamaan ang isang pulis sa balikat.
“May tama ako!†Sigaw ng pulis.
Narinig iyon nina Dick at Mulong.
“May tama raw ang pulis, Mulong.’’
“Delikado tayo, Ninong, mukhang huramentado na si Rey. Baka tayo ang isunod. Walang laban ang nalalaman natin sa martial arts sa bala. Mapapatay tayo nang walang laban.’’
“Kailangan umiwas tayo. Maghintay tayo nang tamang pagkakataon. Baka naman may darating pang mga pulis.’’
“Pero paano natin matutulungan ang pulis na may tama?â€
Nag-isip si Dick.
(Itutuloy)