‘Modus at pananamantala sa Yolanda’
MARAMI pa rin sa mga kababayan natin ang hindi nasasayaran ng pagkain ang kanilang mga nangangalam na sikmura.
Ang mga naapektuhan sa Kabisayaan, patuloy na dumaraing at nag-aasam-asam ng tulong mula sa pamahalaan.
Kung relief goods ang pag-uusapan, bumubuhos ang tulong mula sa mga lokal na organisasyon at mga bansa.
Subalit, ang masaklap, kasabay ng pagbuhos ng mga relief goods, naglitawan din ang iba’t ibang modus at mga pananamantala.
Kakambal ng mga serye ng relief operations, ang mga panloloko, panlilinlang at pagnanakaw ng mga salamangkero’t salamangkera na may interes at maitim na balakin.
Naglipana ang mga naglulungga sa mga ware house kung saan nakatambak ang mga relief good na ipinamamahagi sa mga kababayan nating apektado.
Nitong mga nakaraang araw, may mga ulat na nakaabot sa mga awtoridad at media hinggil sa switching umano ng mga imported goods at magagandang klase ng bigas.
Ang mga putok sa buho, kanya-kanya nang diskarte at mga pautot makapuslit lang ng mga pagkain, medisina, damit at lahat ng maaari nilang pakinabangan.
Hindi pa rito kasama ang mga oportunistang pulitiko na sinasamantala ang kalamidad para magpabango at mangampanya.
Sa halip na pagtulong ang iprayoridad, marami ang mga naiuulat na mayroong mga namimili ng pagbibigyan alinsunod sa ibinoto ng biktima.
Estilo naman ng iba, inaÂako nila na sa kanila mismo nanggaling ang mga tulong at relief goods na inaabot sa mga constituent.
Paalala sa mga nasa malalayong lugar na tinamaan ng kalamidad, kayo ang nagsiÂsilbing mata at taynga ng mga awtoridad at media para isumbong ang mga oportunista’t mapagsamantala.
Bantayan ang mga salaÂmangkero’t salamangkera na nakamata sa relief goods.
- Latest