Ang mga sumusunod ay testimonya ni Father Jose Maniayangat, isang Indian national, tungkol sa kanyang near-death experience noong 1985.
Bumalik ang kaluluwa ni Father Jose sa kanyang katawan
Pagkaraan ng aking paglalakbay sa impiyerno, purgatoryo at langit, sinaÂmahan akong muli ng aking guardian angel sa pagbabalik sa daigdig. Matapos eksaminin ng doktor ang aking katawan, idineklara niya na ako ay patay na. Ang dahilan ng aking kamatayan ay sobrang pagdurugo. Nagpasiya ang doktor na ilipat ang aking katawan sa morgue. Habang iniuusod ng hospital attendant ang stretcher na kinalalagyan ng aking bangkay patungo sa morgue, ako ay nagsimulang gumalaw, umungol, hanggang sa sumigaw nang pagkalakas-lakas dahil sa humahapding sugat at mga nabaling buto sa iba’t ibang parte ng aking katawan. Natulala ang mga doktor nang tingnan niya ako habang sumisigaw at namimilipit sa sakit. Nang matiyak niya na ako ay buhay ay ito raw ang nasabi niya: Milagro, nabuhay si Father!
Kaagad akong ipinasok sa operating room upang kaagad magsagawa ng blood transfusion. Kasunod nito ay pag-opera sa mga nabaling buto sa lower jaw, ribs, pelvic bone, wrists, and right leg. Pagkaraan ng dalawang buwan pagpapagaling sa ospital, ako ay bumalik sa kumbento ng mga pari. Ipinagtapat ng doktor na hindi na ako muling makakalakad. Isang buwan ang nagdaan at tinanggal na ang cast sa aking paa at pelvic area. Hindi ko pa rin maigalaw nang normal ang aking katawan. Minsan, habang ako ay nagdadasal ay sumakit nang matindi ang aking pelvic area. Pagkatapos ng ilang minuto ay nawalang parang bula ang pananakit. Maya-maya ay nakarinig ako ng tinig: Ngayon ay magaling ka na. Tumayo ka at maglakad. Bigla akong nakadama ng kakaibang kapayapaan. Gumapang sa aking buong katawan ang healing power ng Panginoong Diyos.
Nakarating sa aking doktor na nakakalakad na ako at nakakakilos nang normal na parang walang pinagdaanang aksidente. Ang sabi niya sa akin: Totoong Diyos ang iyong Diyos. Gusto ko rin sumamba sa kanya. Ang aking doktor ay isang Hindu. Hiningi niya ang aking tulong upang matutunan niya ang aral ng Simbahang Katoliko. Pagkatapos ng mahabang panahong pag-aaral, siya ay naging binyagang Katoliko. Nagpunta ako sa United States noong November 10, 1986 bilang missionary priest. Sa kasalukuyan ay naglilingkod ako bilang parish priest ng St. Catherine of Sienna Parish ng Orange Park Florida.
Source: http://www.courageousÂpriest.com/priest-sees-bishops-priests-heaven-hell-death-experience