Sa biglang tingin, masasabing aping-api ang isang matandang jeepney driver na sinuntok ng isang abogado na anak naman ng isang kongresista dahil sa away trapiko.
Ang tinutukoy ko ay ang panununtok ni Atty. King George Leandro Antonio Collantes, anak ni Batangas congressman Sonny Collantes sa jeepney driver na si Orlando Garcia, 66.
Mali ang panununtok ni Collantes kay Garcia dahil wala itong karapatan na manakit ng kapwa. Pero ayaw ko naman agad kampihan ang jeepney driver. Ako mismo ay maraming karanasan sa mga jeepney driver na super pasaway sa kalsada. Makabubuting tingnan din kung bakit na-provoke si Collantes para suntukin ang drayber.
Tingnan din ang leksiyon sa nasabing insidente na sana magbigay-daan upang magbago na ang ilang mga pasaway na drayber ng jeepney, bus at taxi. Marami sa kanila ang lumalabag sa batas trapiko.
Sa mga pribadong motorista, kailangang magbaon nang mahabang pasensiya. Huwag na huwag mananakit sa halip ay pormal na isumbong sa mga otoridad.
Dahil sa kawalan ng disiplina ng mga drayber ng pamÂpublikong sasakyan, panahon na upang maghigpit ang traffic enforcers at hulihin ang mga drayber na pasaway. Higpitan din ang traffic enforcers na mangongotong at manggigipit sa mga drayber.