^

Punto Mo

EDITORYAL - Apat na taon na ang Maguindanao massacre

Pang-masa

SA Nobyembre 23, 2009 ay ikaapat na anibersar­yo ng karumal-dumal na Maguindanao massacre. Apat na taon nang naghihintay ng hustisya ang mga kaanak ng kawawang biktima subalit napakailap at tila wala nang pag-asang magkaroon pa ng kalutasan. Ilang taon pa ang hihintayin (o baka wala na) bago makakita ng liwanag ang mga kaanak ng pinaslang. Ang Maguindanao massacre ang itinuturing na pinaka-karumal-dumal na pang­yayari sa Pilipinas sa panahon ng election. Walang awang pinagbabaril ang 58 katao, 32 rito ay mga mamamahayag na kasama sa convoy ng mga magpa-file ng kandidatura para sa pagka-gobernador. Pinababa sa sasakyan ang mga biktima at walang awang pinagbabaril. Hindi na iginalang ang mga babae. Sama-sama silang inilibing sa malaking hukay. Pati mga sasakyan ay inihulog din sa hukay para walang makitang ebidensiya.

Napakabagal nang pag-usad ng kasong ito. Dahil sa kabagalan, marami nang testigo ang pinatay. Mayroon na ring mga kaanak ng biktima ang umano’y umatras at nakikipag-areglo na sa mga akusado. Sa sobrang tagal, natutukso nang tanggapin ang perang kapalit para iatras ang kaso. Ayaw man nilang gawin, pikit-mata na lang sila. Wala silang magawa sapagkat maaaring makamatayan nila ang kaso. Baka mawala na sila ay wala pa ring nangyayari.

Naglutangan na ang maraming isyu sa kasalukuyan --- PDAF, DAP, Malampaya Funds, at marami pang katiwalian at natatabunan na ang isyu sa Maguindanao massacre.

Kailan bibilis ang pag-usad ng kasong ito? Kailan makakamtan ang hustisya? Sana mapagtuunan ng pansin ang karumal-dumal na kasong ito.

 

ANG MAGUINDANAO

APAT

AYAW

DAHIL

ILANG

KAILAN

MAGUINDANAO

MALAMPAYA FUNDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with