KAPAG nagpunta kayo sa Moscow, Russia at isa sa mga restaurant doon at nakita n’yong magkakamukha ang waiters at waitresses, huwag kayong magtaka sapagkat gimik ito ng may-ari na si Alexei Khodorkovsky.
Ang Twin Stars ay na nasa sentro ng siyudad ay dinudumog ng mga customer sapagkat masasarap ang pagkain bukod pa sa nakaaaliw pagmasdan ang mga waiters at waitresses. Pawang mga identical twins ang makikita. Pati ang ibang tauhan sa Twin Stars ay kambal din, maski ang mga naghuhugas ng pinggan, Parehong-pareho ang suot nila.
Ayon kay Khodorkovsky, ito ang kauna-unahang restaurant sa Moscow na ang mga nagsisilbi ay mga twins. At malaki ang paniwala ni Khodorkovsky na papatok ang kanilang restaurant.
Ang problema lang, ayon kay Khodorkovsky, mahirap humanap ng identical twins na empleado. (www.oddee.com)