^

Punto Mo

Kampanya arangkada na naman!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Arangkada na ang kampanya ng mga kandidatong sasabak sa  barangay election sa Lunes.

Kanya kanyang pakulo, matindi dahil madilim dilim pa sa paligid nandyan na ang ingay ng mga mega phone na nag-iikot sa buong barangay.

Paspasan yan dahil isang linggo lang kampanya, kaya kailangan makarami agad. Iba iba ang kulay. Iba iba ang pakulo.

Ayon sa PNP may 30 lugar silang idineklarang area of concern kaugnay sa nalalapit na eleksyon, 

Nasa 13 katao na rin ang iniulat na nasawi habang 14 ang sugatan sa naitalang election related violence kaugnay nga ng isasagawang barangay election.

Sa mga nasawi, kabilang dito ang apat na barangay captain at ang natitira ay sinasabing supporters ng mga kandidato.

Sigurdong bago mag-Lunes ay itataas na ng pulisya ang red alert status.

Sinasabing mas naitatala ang mga kaguluhan  at karahasan sa halalan sa barangay kaysa     pa nga sa eleksyong nasyunal.

Hindi nga ba’t registration pa lang ng mga botante ramdam na ang mahigpit na labanan sa pagitan ng mga grupo ng mga kandidato.

Registration  pa lang talaga namang sumiklab na ang mga kaguluhan.

Kadalasan pa nga ang mga magkakatunggali sa eleksyon ay mga magkakamag-anak lamang

dahil nga maliit lang ang nasasakupan. Kung baga sila sila lang ang nandyan pero sa kabila nito sila rin madalas ang nag-iiringan minsan nauuwi pa sa patayan.

Eh ngayon pa lamang, nasusumpungan na rin ang hindi pagsunod ng ilang kandidato sa regulasyon sa kampanya kaya nga nakakatakot na baka pagdating ng mismong halalan, aba’y baka lalong maramdaman ang mga paglabag na posibleng pagmulan ng kaguluhan sa magkakabilang panig.

Kaya naman mas doble marahil ang gagawing pagbabantay  dito.

Sana naman ay wala nang mangyaring anumang madugong karahasan pa dahil sangkaterba na ang nararanasang problema ng bansa huwag na sanang makadagdag pa ang gulo ng mga kandidato at politiko dito.

 

vuukle comment

ARANGKADA

AYON

KADALASAN

KANYA

KAYA

PASPASAN

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with