BATBAT ng katiwalian ang maraming tanggapan ng gobyerno. Mabibilang na sa daliri ang walang kinasasangkutang anomalya. Nakapagdududa tuloy kung tama pa ba ang laging sinasabi ni President Aquino na ‘‘tuwid na daan’’.
Isa sa mga ahensiyang batbat ng corruption ay ang Bureau of Customs. Noon pa, balita na maraming opisÂyal at empleado sa ahensiyang ito ang namumuhay nang masagana dahil sa kaliwa’t kanang katiwalian. At pati na raw mga janitor at sekyu sa Customs ay “namamantikaan†na rin ang pamumuhay dahil sa malawakang katiwalian dito. May mga karaniwang empleado umano sa Customs na dalawa ang sasakyan at mayroong mga apartment na pinauupahan. Ang suweldo umano ng karaniwang empleado ay mahigit lamang P10,000!
Maski si President Aquino ay alam ang mga nangyayaring katiwalian sa Customs. Sabi nga niya sa taga-Customs noong mag-SONA “saan daw kumukuha ng kapal ng mukha†ang mga ito. Marami raw nagpapalusot ng kontrabando at limpak na salapi ang naliligwak na dapat sana ay mapunta sa kaban ng bayan. Galit si P-Noy sapagkat hindi maabot ang target na revenues. Saan nga naman nakakita na maraming pumapasok na mga produkto sa bansa, pero laging kapos ang kita. Maraming napapalusot at nagsisiyut ang pera sa mga bulsa ng corrupt na collectors, empleado at iba pang matatakaw sa loob ng Customs.
Hindi magkakaroon ng lakas ng loob ang mga smuggler kung wala silang kakutsabang opisyal at empleado sa Customs. Hindi kikilos ang mga smuggler hangga’t walang “go signal†ng mga corrupt na opisyal. Noong nakaraang linggo, limang bagong opisyal ang itinalaga sa Customs. Pero hindi pa rin sigurado kung magkakaroon ng pagbabago roon. Maaaring nagpalit lang ng mukha pero, ang nasa isipan ay pangungurakot din ang laman.
Nararapat magkaroon nang totohanang reporma sa Customs. Magkaroon ng revamp from top to bottom. Nararapat ding imbestigahan ang mga sinasabing “milyonaryo†sa Customs. Isailalim sa “lifestyle check†ang mga opisyal at karaniwang empleyado para mabulatlat ang kanilang kayamanan na nakuha sa masamang paraan.