Lampong (432)

“HUWAG kang ma­lung­kot Dick. Nauunawaan kita,” sabi ni Jinky Lumung-lumo si Dick at na­hihiya sa asawa.

“Malunasan pa kaya ang problema ko, Jinky?”

“Oo. Maghahanap tayo ng lunas. Merong lunas d’yan sa problema mo. Hindi maaaring wala, Dick.”

“Parang nawawalan na ako ng tiwala, Jinky.’’

“Huwag.”

“Gusto ko na kasing mag­ kaanak tayo, Jinky. Gusto ko namang makita na may mga batang naglalaro dito sa bahay. Gusto ko mapuno ng halakhak ng mga bata ang bahay na ito.’’

“Sino ba ang hindi na-ngangarap ng ganun? Ako man ay gusto nang magka­anak tayo. Gusto ko marami ang maging anak natin, Dick. Kaya naman natin silang buhayin at pag-aralin di ba?”

“Oo. Unti-unti nang bu­mabawi ang negosyo natin kaya kung magkakaanak tayo, mabibigyan natin sila nang magandang kinabukasan. Pero ang problema ay itong si Batutoy na ayaw magtuluy-tuloy…”

“Malulunasan yan, Dick. Hindi tayo titigil hangga’t hindi natutuklasan ang re-med­yo. Pilit naman kitang uunawain, Dick.”

“Salamat, Jinky. Salamat sa pag-unawa.”

 

ISANG araw, may ginagawa sa laptop si Jinky at si Dick naman ay abala sa pagsasalin ng mga bitami­na na ilalagay sa pagkain ng mga itik. Nang biglang tawagin ni Jinky ang asawa.

“Dick halika, dali!”

“Bakit?”

“Basta halika. May ipa-ba­ basa ako sa’yo. May nabuksan akong site.’’

Lumapit si Dick sa asawa.

“Eto basahin mo.”

Binasa ni Dick ang nasa screen nang nakabukas na website. Mga pagkain na nakapagpadagdag ng libido o gana sa pakikipagtalik!

“Aba maganda yan ah.”

“Oo nga. Binasa ko na ‘yan Dick. Ang dugo pala ng cobra ay nakakapagpa­dagdag ng libido. At pati ang ari ng kambing…”

“Kaya ko kayang uminom ng dugo ng cobra at kumain ng ari ng kambing?”

“Kung yun ang makakalunas sa panlalambot ni Batutoy ay bakit hindi subukan.’’

“Pero paano naman ako makakakuha ng dugo ng cobra. Yung ari ng kambing, madali yun.’’

“E di magpahuli tayo ng cobra.”

Nag-isip si Dick. (Itutuloy)

Show comments